^

Pang Movies

Kahit sila na, Julia ‘di pa nakakatapak sa mansion ni Coco

- Vinia Vivar - Pang-masa

This coming March ay 20 years old na si Julia Montes at ayon sa young actress, wala raw siya talagang boyfriend. Not that strict ang lola niya dahil hindi naman daw siya pinagbabawalang makipag-date, pero siya na raw ang nagbigay ng restrictions sa sarili niya.

“Ako ‘yung strict sa sarili ko,” say ng young actress when interviewed by Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight.

“Focus muna sa work kasi kilala ko po ‘yung sarili ko na kapag may nagustuhan ako, or meron akong ano, nasisira ‘yung focus ko, so ayo­ko talaga.

“Medyo may ganun’g factor ako, ‘pag may nagustuhan akong anything, like cooking or baking, medyo may factor ako na “eto muna gagawin ko”. So, ayokong masira ‘yung focus ko sa work,” pahayag ni Julia.

When asked kung bakit hindi mamatay-matay ang tsismis sa kanila ni Coco Martin, say ng young actress, siguro raw ay dahil sa mga interview nila dahil matagal na raw silang magkaibigan.

“And ever since na hindi pa siya Coco Martin and wala pa akong opportunity na ibinigay ng ABS-CBN, magkakilala na po talaga kami, so kapag parang ‘pag nagsasalita kami siguro, medyo may factor na hmmm (may something),” paliwanag ni Julia.

Tinanong ni Kris kung nakarating na siya sa bahay ni Coco at nang sabihin ni Julia na hindi pa, gulat na gulat ang TV host at hindi makapaniwala.

Ayon kay Julia ay nakita lang daw niya sa TV ang bahay ni Coco.

Kinantiyawan tuloy ni Kris si Julia dahil nauna pa nga naman siyang makarating sa bahay ni Coco nang i-feature niya ito sa Kris TV.

“Hindi ka pa niya ini-invite? Dapat i-invite ka niya,” say pa ni Kris kay Julia.

Andi at Jake, nagkaayos na naman

Mukhang tama nga ang sinabi noon ni Gabby Eigenmann na meant to be sina Jake Ejercito at kapatid niyang si Andi Eigenmann dahil sa loob ng four years ay lagi raw nagbe-break ang mga ito, pero in the end ay lagi ring nagkakabalikan.

Say pa niya noon, feeling niya ay magkakabalikan din daw sina Andi at Jake dahil greatest love raw ng dalawa ang isa’t isa.

Mukhang tama ang prediksyon niya dahil nakitang magkasama recently sina Andi at Jake sa Singapore with some friends at mukhang okay na okay naman sila.

Kung totoong love na love nila ang isa’t isa, hindi malayong mauwi na naman nga sa reconciliation ang off and on relationship nila.

So, paano na si Bret Jackson na kasama pa ni Andi na nag-celebrate ng New Year at mukhang patay na patay rin sa aktres?

Regine hirap na sa pagda-drama

Ayon kay Regine Velasquez, hindi raw siya talaga kumportable na umaarte sa telebisyon or pelikula.

“Really, personally, it’s my weakest ano, feeling ko. Coz I’m really never considered myself as an actor. So, laging malaking effort for me to go sa set and be an actor.

“It’s very hard for me. So, that’s why, I only choose projects that are in my comfort zone,” say ng Asia’s Songbird.

Kung may proyekto raw talaga na feeling niya ay kumportable siya, that’s the time na tatanggapin niya ang offer.

Marami-rami na ring teleserye at pelikulang nagawa si Regine at okay naman siyang umarte kaya we were surprised to know na nahihirapan pala siya sa mga drama projects.

Anyway, for 2015 ay wala pa naman daw siyang naka-line-up na drama series sa GMA-7 at sa Ultimate concert siya naka-focus ngayon, ang Valentine show nila nina Martin Nievera, Gary Valenciano and Lani Misalucha na gaganapin on Feb. 13 and 14 sa SM Mall of Asia Arena.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ANDI

ANDI EIGENMANN

COCO MARTIN

JULIA

NIYA

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with