^

Pang Movies

Sheryl Cruz nakakatakot magbigay ng Christmas gift!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkakatuwaan sa isang Christmas Party, at napag-usa­pan na nakakatakot daw palang tumanggap ng gift from Sheryl Cruz. Paano ba naman, na-ospital si Sunshine Dizon, matapos kainin ang cake na iniregalo ni Sheryl.

Naku, hindi kaya matakot pati mga inaanak at mga caro­lers na mamasko sa kontrabidang aktres? Pero teka huwag seryosohin, dahil role lang ito ni Sheryl sa Strawberry Lane ng GMA.

Huwag daw matakot ang mga mamamasko sa kanya dahil hinding-hindi manyayari itong pagkakalason ni Sunshine sa kanila. Tumutulong nga sa mga may sakit at babaeng walang trabaho si Sheryl sa may Mandaluyong, eh.

Attitude problem ni Julia dapat nang pakialaman ng ABS-CBN

Dapat sigurong sa mismong mga taga-ABS-CBN magsimula ang pagsaway kay Julia Barretto sa paglaban nito sa kanyang amang si Dennis Padilla.

Bukod tanging si Julia lang daw kasi ang may ganitong attitute. Kapag walang ginawa ang pamunuan ng Kapamilya Network siguradong makasisira ito sa ABS-CBN star.

Rita na-in love kay Martin!

Gaganap si Rita Avila sa isang May-December love affair sa Magpakailanman. Tampok dito si Martin del Rosario bilang kapareha niya. Magiging si Christopher de Leon si Martin pagtanda, pero si Rita pa rin ang gaganap ng kanyang karakter.

Dadayain na lang ang kanyang hitsura sa prosthetics. Mapapanood din si Rita sa Kapag May Katwiran, Ipaglaban mo.

Sabrina sawa nang inaapi

Gustung-gusto ni Sabrina Mann ang bago niyang role sa Once Upon a Kiss na tinatampukan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Kontrabida ang role niya rito, at siguro’y nagsawa na siyang lagi na lang inaapi.

Totoo kaya ang tsismis na close si Sabrina kay Miguel kapag nasa taping? Naku ayaw ni Bianca ng ganyan!

Alonzo kabata-bata pa lang,

workaholic na!

Mabuti na lang at may bagong putahe ang pelikulang My Big Bossing. Kasama kasi sa cast ang bunso ni Niño Muhlach na si Alonzo Muhlach. Kuwela ang batang ito at manang-mana sa ama.

Sabi ni Niño, magbuhat noong makatikim ng shooting si Alonzo, naiinip na ito sa bahay kapag walang raket. Aba bongga, workaholic pala ang bata!

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

BIANCA UMALI

CHRISTMAS PARTY

DENNIS PADILLA

JULIA

SHERYL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with