^

Pang Movies

Parade of Stars lalarga bukas, matinding traffic asahan na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bukas na pala ang annual parade of stars ng Metro Manila Film Festival 2014 sa Roxas Boulevard.

Pinapayuhan ang lahat ng mga motorista na iwasan ang nasabing lugar or else, tiyak na maiipit kayo sa traffic jam dahil sure na darayuhin ng libo-libong tao  ang parada ng mga artista na may pelikula na ka-join sa Metro Manila Film Festival.

Bago ko makalimutan, tonight ang red carpet premiere ng My Big Bossing, ang MMFF entry nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Para sa fans na gustong makita nang personal ang da­lawa at ang ibang mga artista ng My Big Bossing, go na kayo sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Miss Beauche todo iyak nang manalo

Congrats kay Kemberly Mae Penchon, ang winner ng Miss Beauche International 2014.

Mula sa Benguet province si Kemberly at siya ang nanalo sa beauty pageant ng Beauche, ang  Pinoy soap na  nabibili na rin sa Middle East at Amerika.

Cry me a river si Kemberly sa announcement na siya ang nagwagi.  Richer ng P100,000 si Kemberly at may instant Beauche soap stall siya, courtesy of Madame Che Toribio-Delos Reyes, ang founder at big bossing ng Beauche International.

Si Edu Manzano ang host ng pageant night ng Miss Beauche International 2014. Walang kupas ang husay ni Edu bilang emcee dahil nag-enjoy ang audience sa kanyang  malakas na sense of humor.

Dating Starstruck contestant nagpakasal sa transgender

Si Bugz Daigo ang Starstruck 1 contestant na nagpakasal sa isang transgender pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Huwag n’yo nang dagdagan ang mga question ninyo tungkol kay Bugz dahil wala rin akong masyadong alam.

Lumikha ng ingay si Bugz noong nakaraang taon nang ilantad niya sa publiko ang unique love story nila ni Hazel Timonera.

Nagkakilala sina Hazel at Bugz sa Macau. Nang aminin nila sa mga tao ang kanilang relasyon, nakiusap si Bugz sa lahat na huwag makialam dahil maligaya sila.

Sandali lamang ang happiness ng magdyowa dahil humantong din sa goodbye ang kanilang pagsasama.

Pamilya ni Tonton magpapalipas ng pasko sa Baguio

Nagpaalam sa akin si Tonton Gutierrez na pupunta sila ng kanyang pamilya sa Baguio City dahil dito nila ipagdiriwang ang Pasko.

Kasama ni Tonton sa Baguio ang kanyang misis na si Glydel Mercado at ang kanilang dalawang anak na babae.

Hiniram ng mag-asawa ang resthouse sa Baguio nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Babalik sa Maynila sina Tonton at Glydel bago mag-Bagong Taon dahil sasalubungin nila ang pagpasok ng 2015 sa kanilang new house, somewhere in Quezon City.

Ang madir ni Tonton na si Liza Lorena ang nakatira sa townhouse niya sa New Manila. May sentimental value kay Tonton ang New Manila house kaya hinding-hindi niya ibebenta ang property na naipundar noong bata pa siya.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BAGONG TAON

BUGZ

KEMBERLY

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MISS BEAUCHE INTERNATIONAL

MY BIG BOSSING

NEW MANILA

TONTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with