^

Pang Movies

Dating bokalistang nag-ilusyong mag-solo, butata dahil sa pagiging sintunado

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nais nang mag-comeback bilang isang solo artist ang male singer na lead vocalist ng bandang ito na sumikat ten years ago.

Pero dahil sa nagkaroon ng attitude problem itong si male singer, na-disband sila at nagpaka-trying hard na mag-solo act. Umabot pa siya sa puntong may dyinowa siyang executive ng isang record company at hoping na mabigyan siya ng break bilang solo artist.

‘Yun lang, hindi puwedeng umawit ng solo ang male singer at kailangan niyang may banda talaga.

Nahahalata kasi ang pagiging sintunado niya kapag mag-isa lang siyang kumakanta.

Ginawa kasi siyang guest sa isang show ng isang sikat na male singer. Noong rehearsals pa lang daw ay hirap na hirap na ang sikat na male singer na sumabay sa sintunadong boses nito.

Dahil sa kaibigan nga ni sikat na male singer ang dyowa ng male singer, gumawa na lang ito ng paraan para hindi ma-obvious ang pagiging sintunado nito.

Pre-recorded na ang vocals ni male singer at sasabayan na lang daw niya ito sa live show. At para hindi mahalata na mag-lipsync lang ito, papalakasin na lang daw nila ang orchestra.

At least daw sa recording ay maaayos ang boses nito.

In fairness, nakalusot naman daw ang ginawa nilang pag-ayos sa boses ng sintunadong male singer.

Pero pinayuhan na ito na huwag nang pangarapin pang maging solo singer dahil hindi para sa kanya iyon.

Derek gustong turuang mag-sports ang anak kesa mag-concentrate sa video games

Nasa plano ni Derek Ramsay na makasama ang kanyang anak na si Austin ngayong Pasko.

Simula noong maayos daw ang lahat sa pagitan nila ng kanyang dating asawang si Mary Christine Jolly, naging constant na ang communication nila ng kanyang anak.

Gusto raw niyang makasama ang kanyang anak ngayong Pasko na never pa niyang nagawa.

“I have always said that this is my favorite time of the year, and I’m looking forward to taking some time off work.

“I want to spend time with family and just enjoy the break. I have an opportunity to be a father which wasn’t given to me before.

“I’m going to maximize the time that I have because he’s leaving in December for Dubai. He’ll be starting school in Dubai in January,” sey pa ni Derek.

Dahil sa time na mabibigay na niya sa kanyang anak, naisama na raw niya ito sa isang Frisbee tournament niya.

“We did a lot of things. He’s gonna have three days straight with me. It’s gonna be awesome.

“He’s gonna get to see me perform and maybe idolize me, and maybe I can motivate him to do more sports, because he’s really into videogames. I prefer that he gets more into sports,” sey niya.

Ang tawag na sa kanya ng kanyang anak ay “dad”.

“Mag-turn 38 years old na si Derek sa December 7 at makakasama niya si Austin sa kanyang birthday.

“Mary Christine was nice enough to allow us to spend my birthday with Austin, and he will make a decision if he wants to spend Christmas with me,” pagtatapos pa ni Derek Ramsay

vuukle comment

DAHIL

DEREK

DEREK RAMSAY

DUBAI

KANYANG

LANG

MALE

MARY CHRISTINE

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with