^

Pang Movies

Christian ngayon nagkaroon ng tatlong sabay-sabay na show

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Two songs lamang sana ang kakantahin ni Chris­­tian Bautista, ang Up Where We Belong at When You Say Nothing At All  nang i-launch niya ang Sound Track album niya from Universal Records pero nag-re­quest pa ng isa ang showbiz press at kinanta pa niya ang A Thousand Years na dedicated daw niya sa mga malapit nang ikasal.  Biniro tuloy si Christian kung magpu-propose na ba siya kay Rachelle Ann Go dahil pagpunta niya sa London sa January 1 to 16.  Hindi raw, tutuparin lamang niya ang promise niya sa dalawang mahal na kaibigan, sina Rachelle Ann at Mark Bautista who are doing good in London, nababasa raw niya ang magagandang reviews sa dalawa. Si Ra­chelle Ann as Gigi sa Miss Saigon at si Mark, as Ferdinand Marcos sa Here Lies Love.

Uunahin muna ni Christian na mag-promote ng new album na matagal na hinintay ng fans niya for two years. Panalo ang album ni Christian na lahat ng songs ay ginamit sa mga romantic films and TV shows, like ang Up Where We Belong na theme song ng hit Koreanovela sa GMA-7 na Empress Ki.

At pinabulaanan ni Christian ang balitang hindi siya satisfied sa paglipat niya sa GMA Network.  In fact, ngayon daw lamang siya naging very busy at everyday napapanood siya sa TV.  Monday to Friday sa primetime soap na Strawberry Lane, Saturday, as co-host of Marian Rivera sa dance show na Marian at Sunday, sa Sunday All Stars.  Nag-spoiler pa si Christian na enjoy siya sa paggawa ng Strawberry Lane na kasama niya ay mga mahuhusay na artista at may mga characters daw doon na namatay na pero mabubuhay pa sa eksena.  

Ituloy kaya ni Christian ang pagiging stage actor ngayong nominated siyang Best Actor sa Aliw Awards sa pagganap niya sa Ghost The Musical with Cris Villonco?  Masaya na raw siya sa nomination dahil mahuhusay daw ang mga kalaban niya.

Carmina pinilit matutong magluto

Si Carmina Villarroel ang new Ambassador ng Knorr para sa new campaign nila ngayon na Sarap ng #Lutong Nanay na ini-launch nila kasama ang mga Mom Ambassadors na sina Dimple Romana, Delamar Arias, Pia Guanio, at Danica Sotto-Pingris, hosted by Christine Jacob.  Nagkaroon ng chance ang mga invited entertainment press na maka-join sa pagluluto ng mga mom ambassadors at matikman ang kanilang mga niluto.  Para sa masasarap nilang recipes, mag-log on lamang sa www.knorr.com.ph.

Aminado si Carmina na ayaw niyang magluto dahil takot siyang gumamit ng gas stove.  Pero na-realized daw niyang hindi siya complete as a mom dahil hindi niya naipagluluto ang kanyang kambal na sina Cassy at Mavy at asawang si Zoren.  Kaya nag-aral na siyang magluto, kahit simple recipe lamang na gustung-gusto naman ng kanyang mag-aama.  Hindi raw nagrereklamo ang mga ito kahit anong lutuin niya na nagsisilbi pang bonding ng pamilya tuwing kakain sila.  Kaya kahit daw siya busy sa taping ng teleserye niya sa ABS-CBN, ang Bridges, hindi siya umaalis ng bahay na hindi siya nakapagluto ng lunch o dinner para sa kanyang pamilya.

vuukle comment

A THOUSAND YEARS

ALIW AWARDS

NIYA

SIYA

STRAWBERRY LANE

UP WHERE WE BELONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with