^

Pang Movies

Nova pinagmilagruhan ni Tia Pusit?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Isang anonymous donor ang nagbayad ng malaking hospital bill ng pumanaw na komed­yanteng si Tia Pusit. Umabot sa halagang P1.5 million ang naging hospital bill ng yumaong komedyante.

Ito ang ikinabigla pero pinagpasalamat ng nakatatandang kapatid ni Tia Pusit na si Nova Villa. Tila isang milagro raw ang pangyaya­ring ito.

“Would you believe P1.5 million bayad lahat? Sabi namin maaaring si Tia Pusit tumutulong na rin plus the prayers. Ang dami-daming prayers talaga.

“Kaya ang sabi ng aking pamangkin, ‘Tita solve na po tayo, wala na po kahit singko.’

“Hay naku talaga naman salamat, salamat sa inyong lahat. Talagang tinulungan kami ni Lord,” maluha-luhang pasasalamat pa ni Tita Nova.

Labis ang pasasalamat ni Tita Nova sa mga nakiramay sa kanilang pamilya. Hindi lang daw mga kaibigan sa showbiz kundi mga taong hindi kilala ng pamilya nila ay nagpaabot ng tulong para sa mga naiwan ni Tia Pusit.

“Salamat sa mga taong ito na nagmahal sa aking kapatid. Lalo na doon sa ginawang benefit show para kay Pusit, naging malaking tulong iyon sa pamilya ng kapatid ko.”

Isa pang pinapasalamat ni Tita Nova na ang Cinemalaya entry niya na 1st Ko Si 3rd with Freddie Webb ay naimbitahan para sa Hawaii International Film Festival 2014.

“Ang ating mga kababayan nagre-request na makita at mapanood tayo roon so ako ay talagang natutuwa.

“Itong pelikula namin ni Freddie, this says so much of our friendship through the years. Hindi nagbago. Kung ano ang intensity noon, kung gaano kami ka sweet noong kopung-kopong pa hanggang ngayon, ganun pa rin,” pagtatapos pa ni Nova Villa.

Palawan napiling World’s Top island ng isang magasin

Malaking boost para sa Philippine tourism ang matawag na World’s Top Island ang Palawan ayon sa CN (Conde Nast) Traveler magazine.

Pinuri ang Palawan dahil sa pagiging uncolonized nito ng mga malalaking hotel chains and developments. Pero dinarayo ito ng maraming turista dahil sa mga natural sites nito tulad ng lagoons, beaches, limestone cliffs, at ang famous na underground river cave na Puerto Princesa Subterranean River na hinirang ng UNESCO bilang World Heritage Site at isa sa world’s best natural wonders.

Kaya naman nanguna na ang Palawan sa list of top islands in the world. Ang dating nangunguna na Maui Island in Hawaii ay nasa third spot na.

Heto ang Top 10 islands ayon pa sa readers ng CN Traveler:

1. Palawan, Philippines

2. Kiawah Island, South Carolina, USA

3. Maui, Hawaii, USA

4. Kauai, Hawaii, USA

5. Bazaruto Archipelago, Mozambique

6. Great Barrier Reef & Whitsunday Islands, Australia

7. Santorini & Cyclades, Greece

8. St. John, U.S. Virgin Islands

9. Kangaroo Island, Australia

10. Big Island, Hawaii, USA

Britney kumikita ng halos $500K kada show, plus P1 million kada linggo!

Mukhang hindi pa natatapos ang pagtatanghal ni Britney Spears sa Las Vegas dahil pinapirma ulit siya ng bagong kontrata para ituloy ang kanyang headline show for another two years.

Ang first two-year, 50-show contract ni Britney sa Planet Hollywood Las Vegas ay kumita ng higit na $30 million.

Ngayon ay pumirma ang singer ng bagong 2-year contract for 140 shows. Ang bayad per show ay $475,000.

Humahabol si Britney sa top money earner ng Vegas na si Celine Dion na kumikita ng higit na $476,000 per show.

Naging phenomenal ang pag-headline ni Britney sa Planet Hollywood dahil sold out ang mga tickets nito parati. Kumikita rin si Britney sa mga binebentang merchandise sa naturang venue.

Every week daw ay nagde-deposit ang mga tauhan ni Britney ng $1 million sa bank account nito.

 

vuukle comment

BAZARUTO ARCHIPELAGO

BIG ISLAND

BRITNEY

BRITNEY SPEARS

NOVA VILLA

PALAWAN

TIA PUSIT

TITA NOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with