^

Pang Movies

Angelica biglang nagpapayat nang sabihin ni Charo Santos na sobra na ang katabaan niya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Hindi umiwas si Angelica Panganiban na sagutin ang tanong tungkol sa medyo malusog niyang katawan sa presscon ng new movie niyang Beauty in a Bottle na co-production venture ng Quantum Films at Skylight Films. Si Angelica ay itinuturing na isa sa mga local actresses na may magandang mukha at natanong nga kung kailan niya naisip na maganda siya. Siguro raw nang makilala niya si John Lloyd Cruz at ngayon ay boyfriend na niya ng ilang taon. Biniro ang actress kung aling part ng katawan niya ang gustung-gusto ni Lloydie, nahihiya man dahil too personal ang tanong, sinagot pa rin niyang siguro ang lips niya dahil mahilig daw ang boyfriend na halikan siya sa lips.

Masaya si Angelica sa kalagayan niya ngayon kaya ayaw na niyang sagutin ang ibang tanong na walang kinalaman sa movie nilang ipalalabas na sa October 29, kasama sina Angeline Quinto at Assunta de Rossi. Tumatalakay ang comedy movie tungkol sa beauty, weight, at age. Medyo mataba nga raw siya pero hindi na muna niya iyon pinansin dahil iyon naman ang role niya sa movie na isinulat at first directorial job ni Antoinette Jadaone. Ang role niya ay isang actress na tumaba kaya bina-bash, kaya gagawin niya ang lahat para pumayat. Inamin niyang kahit siya ay hindi nagustuhan ang sarili nang humarap siya sa salamin at totoo palang medyo mataba siya.

“Pero hindi ko na ito ipinagwalang-bahala nang tawagan ako ni Ma’am Charo (Santos, President ng ABS-CBN) at sabi niya sa akin, “hija, tama na,” at sinagot ko siya ng “yes, Ma’am Charo,” kuwento pa ni Angelica.  “Kaya pagkatapos ng movie, nagsimula na akong magpapayat, in my own way, kasi ayaw kong ipagalaw ang katawan ko.”

Kasama rin sa movie sina Empress Shuck, Ellen Adarna, Dimples Romana, Ms. Carmi Martin with hunk actor Tom Rodriguez.

Direk Gil natuwa sa paghuhubad nina Krista at Kiko

Medyo nahirapan pala si Director Gil Portes na humanap ng artistang gaganap sa Hukluban indie film, isa sa kalahok sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival, dahil medyo sexy ang tema ng movie na isinulat ni Eric Ramos. Nagpa-audition si Direk Gil at nakita niyang impressive ang ginawa nina Krista Miller at Kiko Matos kaya sila ang kinuha niya. Hindi kilala ng director ang dalawa, pero after the audition, ikinuwento niya ang role ng bawat isa at sinabi niyang may nudity silang gagawin dahil kailangan ito sa story. Natuwa si Direk Gil na naka-deliver naman ang dalawa, walang nag-inarte sa kanila, kahit bale three stories in one ang Hukluban, na sina Krista at Kiko pa rin ang gumanap sa lahat ng characters.

Medyo naawa lamang kami kay Krista nang mapanood namin ang special preview ng movie dahil sa prosthetics niya sa mukha, leeg at mga braso niya kapag tumatanda siya. Pero hindi raw siya nagreklamo dahil iyon ang role niya kapag araw at maganda at seksing babae siya pagdating ng gabi.

Ang Teamwork Film Productions ang nag-produce ng Hukluban in partnership with the Film Development Council of the Philippines (FDCP). Nagkaroon na ito ng premiere night last October 21, pero ang regular showing nila in all SM Cinemas nationwide ay sa October 29.

vuukle comment

ANG TEAMWORK FILM PRODUCTIONS

ANGELINE QUINTO

DIREK GIL

HUKLUBAN

KRISTA

MEDYO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with