^

Pang Movies

Derek wala nang magawa, tinanggap na lang ang pagkamuhi sa kanya ng dating home network

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tanggap ni Derek Ramsay na malalim ang sugat na iniwan ng pag-alis niya sa ABS-CBN at paglipat sa TV5 kaya parang hindi na siya masasaktan dahil wala ang kanyang pangalan at litrato sa promo materials ng The Janitor.

Nabalitaan ko, na kahapon ang presscon ng The Janitor pero walang Derek na sumipot.

Hindi na nagtaka at nagtanong ang entertainment press dahil understood na nila ang dahilan ng non-appearance ni Derek.

Importante ang role ni Derek sa The Janitor. Hindi man siya kasali sa promo at publicity, hindi puwedeng i-edit ang kanyang mga eksena sa pelikula dahil mahalaga ito sa kuwento ng The Janitor. (Kasama na raw po si Derek sa bagong version ng poster ng The Janitor. – SVA)

Toni ipapahinga muna ang bibig sa pagdadaldal

Ang bilis ng araw. Parang kailan lang, kinukuwestyon ko ang maaga na pagpapatawag noon ng presscon para sa Celestine, ang 15th anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Mall of Asia Arena.

Two months ago ‘yon at talagang napakabilis ng takbo ng panahon dahil bukas na pala, October 3, ang anniversary show ni Toni na sobrang sipag mag-promote.

Nalibot na yata ni Toni ang lahat ng mga programa ng ABS-CBN para i-promote ang Celestine.

Simula ngayong araw na ’to, hindi na magsasalita si Toni. Ipapahinga na niya ang boses para bigay na bigay ang kanyang performance bukas.

Hindi lamang voice rest ang ginagawa ni Toni dahil lumalangoy rin ito sa swimming pool para magkaroon siya ng powerful lungs.

Pagbisita ni Pope Francis inaabangan kung saang NETWORK makikipag-partner

Nagsimula nang ipagdasal sa mga Holy Mass sa mga Catholic Church ang pagbisita ni Pope Francis sa ating bansa.

Ang ibig sabihin, tuloy at wala nang pagbabago sa schedule ng pagdalaw ng Santo Papa sa Pilipinas, tulad nang kinumpirma noon nina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at Councilor Cristina Gonzales.

Isa na lang ang hinihintay ko, ang news tungkol sa television network na magiging media partner at hahawak ng exclusive coverage ng pagdating ni Pope Francis. Natatandaan ko na ang GMA 7 ang media partner nang dumalaw sa Pilipinas noong  January 1995 si Pope John Paul II dahil ang ating bansa ang venue ng World Youth Day.

Isyu kay Fabio ang bilis humupa, mga kasali sa kuwento hindi mga kilala

Humupa na ang kontrobersya ng pag-amin ni Fabio Ide na siya ang ama ng apo ni Melissa Mendez.

Tumahimik agad ang isyu matapos maglabas ni Fabio ng official statement.

Hindi na masyadong pinatulan ang intriga dahil si Fabio lang ang kilala sa mga karakter na involved. The rest, the who?!!!

Nababanggit lang ang name ni Melissa dahil siya ang nanay ng girl na hindi sinasadya na nabuntis at naanakan ni Fabio. Si Melissa rin ang naglabas ng picture ng sanggol habang karga ito ni Fabio with matching confirmation na ang Brapanese model/actor ang ama ng bagets.

Gaya ng kanyang kababayan na si Daniel Matsunaga, mukhang magiging permanent resident na rin ng bansa si Fabio. Ang anak niya kay Denisse ang isa sa mga dahilan para magplano siya na manirahan nang permanente sa Pilipinas.

Nang mabasa ko ang official statement ni Fabio, na-feel ko ang sobrang pagmamahal niya sa kanyang anak na bunga ng “casual encounter”.

May mga naglilinis-linisan at binabatikos ang “casual encounter” nina Fabio at Denisse. As if naman, ngayon lang nila nalaman na normal na nangyayari ang mga casual encounter. Mga mapagpanggap!

vuukle comment

DAHIL

DEREK

FABIO

PILIPINAS

POPE FRANCIS

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with