^

Pang Movies

Mga artista ng Be Careful…excited na sa susunod na trabaho

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sa November 28, Friday ang last presentation ng isa sa pinaka-popular na TV show ng ABS-CBN, ang prime tanghali drama na Be Careful with My Heart.

Nagpapasalamat ang mga cast sa show na pina­ngungunahan ni Maya na ginampanan ni Jodi Sta. Maria at Ser Chief, na binigyang buhay naman ni Richard Yap. Magkahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ng mga cast at production staff sa kanilang kilos at pagsasalita noong ginanap ang farewell presscon. Bawat miyembro ng cast ay nagsalita na sa loob ng 2 years na itinakbo ng Be Careful with My Heart, naging malalim ang pagsasamahan nila.

Huwag sanang malungkot ang mga tagasubabay ng Be Careful with My Heart dahil kahit na magbababu na sa screen ang serye ay tiyak na may iba’t ibang kasunod na project ang nakahanda para sa kanila mula sa ABS-CBN o Star Cinema.

Sylvia aasikasuhin muna ang family business

After ng matagal na TV appearance ni Sylvia Sanchez, ang magandang nanay ni Arjo Atayde, na kasama rin sa Be Careful… hindi muna siya tatanggap ng mga assignment. Mga 3-4 months daw muna siyang magbabakasyon sa trabaho. Pero ang bibigyan niya talaga ng atensyon sa ngayon ay ang trabaho sa pamilya. Lalo na ang restaurant na magkatuwang na ipinundar nilang mag-asawa dahil type nilang magbukas pang muli ng isang branch sa mataong lugar gaya ng University belt sa Manila.

Maraming salamat sa pagsauli ng mahiwagang baston ko…

Salamat po! Sa tricycle driver dito sa Golden City, Sta. Rosa, Laguna na si Randy. Isinauli niya sa akin ang naiwan kong mahiwagang baston na may panak­sak sa duluhan. Sa tulong ni Brando at ng isang lalaki, natunton si Randy at naitabi niya ang naiwang baston. A million thanks!

vuukle comment

ARJO ATAYDE

BE CAREFUL

GOLDEN CITY

JODI STA

MY HEART

RICHARD YAP

SER CHIEF

STAR CINEMA

SYLVIA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with