^

Pang Movies

Piolo malamang na banggain ni Dennis

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Palaban pa rin ang Strawberry Lane matapos silang maungusan ng Hawak Kamay ni Piolo Pascual last Tuesday dahil simula pa lang naman ng palabas nina Bea Binene at Jake Vargas. Base ito sa survey na lumabas ng Kantar Media.

In fairness, maganda ang Strawberry Lane na kasama rin sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz kaya nga lang more on “girl power” ito. Malakas ang casting ng palabas ni Piolo na may halong bruskuhan ang kuwento  kasama si Zaijian Jaranilla plus may kilig factor pa ang ligawan effect nila ni Andrea Brillantes. Isama mo pa ang ibang makukulit na bagets sa palabas ni Papa P.

Tingnan natin kung babaguhin ang tapatan ng palabas nina Piolo at Strawberry Lane sa pagpasok ng Hiram na Alaala na pinangungunahan ni Dennis Trillo.

Baka mas maganda ang labanan kung sina Papa P at Dennis ang magbabanggaan.

Jose at Wally napilayan sa pagkakasakit nI Paolo

Magbabalik muli sa ikalawang pagkakataon sa Bacoor Coliseum ang duo nina Jose Manalo at Wally Bayola ngayong Sabado.

Magkakaroon sila ng isang intimate na pagtatanghal sa Bacoor Coliseum.

Samantala feeling nina Jose at Wally ay napilayan sila sa pagkakasakit ni Paolo Ballesteros na itinuturing na nilang bunsong kapatid. Hindi raw kasi kumpleto ang pagiging tatlong itlog nila sa pag-iikot sa Juan for All, All for One segment ng Eat Bulaga sa mga barangay na sinusugod nila araw-araw pag wala si Paolo.

Pero thankful hindi lang sina Jose at Wally kundi maging ang buong Dabarkads sa mabilis na recovery ni Paolo. Hindi raw nila naramdaman may sakit si Paolo dahil all smile pa rin ito at panay ang pagpu-post sa kanyang Facebook (FB) ng selfie na good sign na hindi siya napuruhan ng mild stroke. Bumuhos naman ang prayers at support ng fans  kay Paolo.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

BACOOR COLISEUM

BEA BINENE

DENNIS TRILLO

EAT BULAGA

HAWAK KAMAY

JAKE VARGAS

JOSE MANALO

PAPA P

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with