^

Pang Movies

Daniel ayaw makumpara ang love team nila ni Kathryn sa iba

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dahil sunud-sunod ang love team na ilu-launch sa ABS-CBN tulad ng JaDine (James Reid and Nadine Lustre), Liza Soberano and Enrique Gil love team at Nash Aguas and Alexa Ilacad young tandem, natanong si Daniel Padilla, kung threat ba sa team-up nila ni Kathryn Bernardo ang mga ito.

Say ni Daniel ay wala naman daw silang kumpetisyon sa iba pang mga love teams.

May mga promise lahat ang tatlong love teams na ilulunsad ng Kapamilya network lalo na nga ang JaDine na dalawang beses nang napatunayan sa ta­kil­ya ang kanilang lakas.

May sarili na ring following ang NLex (Nash-Alexa) love team kaya naman binigyan na sila ng sariling pelikula ng Star Cinema at nakatakda na nilang gawin soon.

Sina Enrique naman at Liza ay may serye na, ang Forevermore na malapit nang mapanood.

Ejay hindi natatakot kay Daniel

Speaking of threat, tinanong din namin si Ejay Falcon kung may banta ba sa career niya ang kahihirang lang na Big Winner ng Pinoy Big Brother All In na si Daniel Matsunaga.

Tulad ni Daniel, Big Winner din si Ejay ng PBB Teen Edition Plus at siyempre, ngayon ay isa na ang Braziliian-Japanese actor sa makakakumpetensiya niya bilang aktor sa ABS-CBN.

Pero say ni Ejay, magkaiba naman daw sila ng ginagawa ni Daniel. At hindi na rin naman daw niya iniisip ang mga ganitong bagay dahil talaga naman daw noon pa ay marami na silang aktor sa ABS-CBN.

“Ang dami namin, nandiyan din sina JC de Vera, Joseph Marco, sina Enchong Dee, so kung iisi­pin mo pa... so, gawin ko na lang ang trabaho ko, mas magawa ko pa nang tama,” say ni Ejay nang makausap namin sa contract signing niya sa Uni Silver Time.

Hiningan din namin ang aktor ng reaksyon tungkol sa mga kumukuwestiyon kay Daniel sa pagkakapanalo nito dahil at one point ay naranasan din niya ito.

“Hindi na bago ‘yun. Ganu’n naman lagi ‘pag may nananalo, kinukuwestiyon ng iba. Siyempre, kanya-kanyang manok ‘yan, eh,” sabi ni Ejay.

Samantala, after Dugong Buhay ay may bagong serye na ulit si Ejay sa ABS-CBN. Ayaw pa niyang sabihin ang title pero remake raw ito ng Mexican telenovela at sexy naman ang tema.

Pinaghahandaan na nga raw niya ito at katakut-takot na workshops ang gagawin niya. Right now ay may baking lesson siya sa ABS-CBN dahil tung­­kol din daw sa pagluluto ang bagong serye. May horseback riding lesson din siyang dadaluhan at sensuality workshop.

Empress solid Kapamilya pa rin

Marami ang nagtatanong kung lumipat na ba ng GMA 7 si Empress Schuck dahil may guesting ito sa Maynila. Pero ayon sa manager ni­yang si Becky Aguila, Kapa­milya pa rin ang young actress at gumawa lang ng isang episode sa nasabing show na ipinalalabas sa Kapuso.

Aniya ay iba naman daw ang producer ng Maynila at hindi naman station-produced ito.

May ginagawang pelikula nga­yon si Empress under Skylight Films, ang Modus kasama si Rayver Cruz.

vuukle comment

BECKY AGUILA

BIG WINNER

DANIEL

DANIEL MATSUNAGA

DANIEL PADILLA

DIN

EJAY

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with