^

Pang Movies

Carla inaming exclusively dating na sila ni Tom!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Si Carla Abellana mismo ang nag-confirm na exclusively dating na sila ng leading man niya sa My Destiny na si Tom Rodriguez, sa interview sa kanya ng morning show ng GMA 7 na Unang Hi­rit.  May mga nagsasabing matagal na raw ang tungkol sa kanila ni Tom, ginagawa pa nila noon ang My Husband’s Lover, pero pareho pa silang may karelasyon, naging formal daw lamang ang panliligaw ng actor nang aminin na rin niyang he’s courting Carla, kasunod na ang dinner date niya sa family ng actress.

After ng marriage proposal ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kay Kapuso Primetime Queen Marian Ri­vera, after two weeks, sumunod naman ang marriage proposal ni Senator Chiz Escudero sa isa pang Kapuso actress, si Heart Evangelista.  Monday morning naman umamin ang Kapuso actress na si Carla tungkol sa kanila ni Tom, sino naman kaya ang susunod na magsasalita at aamin sa kanilang mga relasyon?

Glaiza pinag-aaralang mabuti ang mga manliligaw kaya hindi nagkaka-boyfriend

Dapat ay magkaroon na rin ng love life si Glaiza de Castro, na umamin nang makausap sa set ng Dading, na boring ang buhay niya, dahil wala nga siyang love life. May point nga na may nagsasabi nang baka tomboy siya kaya wala siyang boyfriend, pero sabi ng actress, hindi siya tomboy, pinag-aaralan lamang niyang mabuti ang mga nanliligaw sa kanya.  Kung makakasakit daw lamang ng loob niya ang magiging karelasyon niya, huwag na raw lamang siyang magka-boyfriend. Nali-link ngayon si Glaiza sa isa pa niyang katambal sa Da­ding, si Benjamin Alves pero wala raw itong katotohanan. Naging close lamang sila nang mag-taping sila ni Benjamin ng documentary ng GMA News TV na Katipunan.  Hindi raw niya napansin kung nagparamdam man lamang sa kanya si Benjamin noon at ngayon, gumaganap silang dating magkarelasyon at naanakan siya ni Benjamin sa story, at bu­mabalik sa kanilang mag-ina, kahit kasal na siya sa beki na si Carding (Gabby Eigenmann).

Bukod sa Dading, tinatapos ni Glaiza ang recording ng self-produced album niya na may carrier single nang Dust Till Dawn na isa sa mga original compositions na sinulat niya, tulad din ng Madalingaraw, Mahabang Gabi.

Niño tuloy na tuloy na ang pagbababu sa ere

Nagpasalamat ang cast at production team ng Niño sa mga tagasubaybay ng inspirational drama series nila sa pamamagitan ng pagdalo sa isang thanksgiving Mass officiated by Rev. Fr. Eric Santos sa Sto. Niño de Tondo.  Dumalo sina Direk Maryo J. delos Reyes, Ms. Gloria Romero, Ms. Luz Valdez, ang mga bidang sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, Jerald Napoles, Sandy Talag at mga taga-production.

Gabi-gabi kasing mataas ang rating ng Niño at tiyak na malulungkot ang mga tagasubaybay nila dahil sa September 12 ay magtatapos na ang serye.

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

BIANCA UMALI

CARLA

GLAIZA

KAPUSO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with