^

Pang Movies

Masasarap at pampaligaya nadiskubre ni Mother Ricky

Pang-masa

MANILA, Philippines - Basta masarap, tiyak na nakaliligaya ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas diyes ng umaga’y itatampok sa programang Gandang Ricky Reyes, Todo na Toh (GRR TNT) ang mga bagay na nakabubusog tulad ng pagkain, musika at paraan ng pampakinis ng balat at wastong ehersisyong pangkalusugan.

Music lover si Mader Ricky Reyes at nakagawian na niyang pagdating sa bahay matapos ang iba-ibang gawaing hinaharap ay nakikinig siya ng awitin ng mga paboritong singer. 

Isa na rito’y ang grupong Freestyle na nagkamit na ng maraming karangalan sa mga pinasikat na record albums dahil sa balanseng timplado ng kanilang pinagsamang boses at mga sarili nilang komposisyon.

Dadalhin din tayo ng beauty guru sa isang kainan na dinarayo dahil sa lutong-bahay na sardinas at corned beef.  Sisilip din tayo sa Skin Rejube na dinarayo ng mga nagnanais manatili ang makinis na kutis.  Makiki-birthday party pa tayo sa dating Beauty Queen-aktres na si Maria Isabel Lopez.  Iba talaga ang trip niya.  Sa halip na masayang sayawan at masaganang inuman at kaina’y dinala niya ang mga kaibigan sa isang SPA na tunay na nasiyahan at umuwing nakapagrelaks. 

Kinatatakutan ng mga lalake’t babae ang sakit na ALOPECIA o pagnipis at pagkalugas ng buhok.  Tutok lang sa show para malaman kung may natuklasan na bang lunas sa pesteng sakit na ito.  Alamin din kung ano ang iniregalo ni Mader sa isang babaeng may ganitong sakit.

Workout ni Rafael Rosell at Ice Bucket Challenge tatalakayin ng Pinoy MD

Samahan ang Pinoy MD na alamin ang dahilan sa likod ng nauuso ngayon sa social media na ice bucket challenge at tunghayan ang pagsubok ng Kapuso star na si Rafael Rosell sa gauntlet workout na mistulang ninja ang style ngayong Sabado ng umaga sa GMA 7.

Uso ngayon sa social media ang pagpo-post ng mga video ng paggawa ng ice bucket challenge kung saan binubuhusan ng tumanggap ng hamon ang sarili niya ng isang timba ng malamig na tubig na may yelo.  Maraming celebrity na ang gumawa ng ice bucket challenge pero kaunti pa lang ang kaalaman ng karamihan tungkol sa ALS o amyotrophic lateral sclerosis.  Kaya naman, ipaliliwanag ngayon Sabado ng Pinoy MD ang tungkol sa lumalala at nakamamatay na sakit na ito.

Samantala, bata pa raw ang aktor na si Rafael Rosell, gusto na niyang maging ninja.  Kaya naman nang magkaroon ng “gauntlet workout” sa Pilipinas, agad niya itong sinubukan.  Ginagaya sa gauntlet fitness program ang mga galaw ng mga sinaunang espiyang ito ng mga hari at reyna ng Japan.  Panoorin si Rafael na subukan ang workout na ito sa Healthy si Idol segment.

 Alamin din sa Pinoy MD kung ano ang sakit na vertigo, ang mga alternatibong paraan para maalis ang kalyo, at mga ”super food” na maaring kainin araw-araw para mapigilan ang sari-saring sakit.

Usapang pangkalusugan ang hatid ng Pinoy MD kasama sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, at Doc Oyie Balburias ngayong Sabado, 6:00 hanggang 7:00  ng umaga, sa GMA 7.

vuukle comment

ALAMIN

BEAUTY QUEEN

CONNIE SISON

PINOY

RAFAEL ROSELL

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with