^

Pang Movies

Bisita sa birthday party ni Mother Lily umapaw!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaapaw sa rami ng bisita ang Valencia Homes kung saan ginanap ang 75th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde. Hindi lang siyempre showbiz ang bisita ni Mader kundi marami ring politicians ang bumati at friends sa business sector ng Regal producer, sa Red Cross at mga rich and famous sa Chinese community, huh!

Una naming namataan ang former First Lady Imelda Romualdez- Marcos na kasama nina Kuya Germs, Susan Roces, Manay Ichu Maceda, at QC Vice Mayor Joy Belmonte. Nakaw-eksena pa rin siya dahil talbog niya ang ibang atista na kaunti lang ang nagpapa-picture, huh! Biro nga namin sa kaibigan ni Madame Imelda, para siyang isang tourist spot sa party na ang daming gustong magpakuha ng souvenir picture, huh!

Tahimik lang naman sa isang sulok ni Sen. Loren Legarda. Super-chika naman ang dating Senador na si Dick Gordon na tinanong namin kung gusto niyang tumakbo uli sa 2016. “Ayoko munang magsabi. Baka mapagplanuhan! Ha! Ha! Ha!’ tugon ng Red Cross Chairman.

Present din si Sen. Sonny Angara kasama ang wife na si Tootsy. Dumating ang mga senador na sina Bam Aquino at Antonio Trillanes. Maging ang MMDA Chairman na si Francis Tolentino na kachika si Madame Imelda.

Siyempre, present ang karelasyong love-hate ni Mother na si Marian Rivera. Sumaglit din siya dahil may meeting pa siya sa wedding coordinator ng kasal nila ni Dingdong Dantes. Naibalita ng aktres na kailangan pa niyang magpabinyag bago ang kasal dahil Spanish ang kanyang birth certificate. Pagdating naman sa show, pumayag na rin siyang ma-extend ito hanggang December 6 kahit that time, super-abala na siya sa wedding.

Dennis hindi interesado sa kasal

Ilan sa mga artistang dumating sa party ay si Dennis Trillo kasama ang manager niya na si Popoy Caritativo. Panay ang ungot namin kay Popoy kung dadalo ba siya sa kasal ng dating alaga na si Marian.

 “Ano ba???” tanging sagot ni Popoy at saka lumagok ng tubig.

Hindi kasi sila nagpang-abot na naman ni Yan Yan sa party ni Madera. Sinadya niya si­gurong umiwas gaya sa ginawa niyang pag-iwas sa dating alaga sa premiere ng The Janitor movie sa Cinemalaya.

 “Hindi, huh! Hinahabol ko si Dennis!” rason ng manager. Sinang-ayunan naman ito ni Dennis na hindi rin nakita si Marian sa event.

Eh, siya  (Dennis), imbitado at darating ba kapag inimbita ni Marian?

 “Wala pa naman akong…Oo naman basta wala lang trabaho na maging conflict,” tugon ng aktor.

Sa ngayon ay ginagawa ni Dennis ang bagong soap sa GMA na Hiram na Alaala kasama sina Kris Bernal at Lauren Young. Biro namin, baka ma-in love siya sa isa sa kapareha niya, huh!

 “Ang babata pa nila! Ha! Ha! Ha!’ saad ng aktor.

Hindi ba sumama ang loob niya dahil natagalan bago masundan ang ginawa na My Husband’s Lover?

 “Hindi. Hindi naman. Bayad naman ako sa kawalan ng trabaho kaya hindi ko problema ‘yon,” rason niya.

Eh, ‘yung isyu na nagbalikan sila ni Jennylyn Mercado?

 “Hindi totoo ‘yon!” diin ni Dennis.

Eh, wala ba siyang balak magpakasal gaya ni Dingdong?

 “Wala pa eh. Mahirap lalo na sa side ng lalaki,” sagot ng aktor.

Iza kopyang-kopya si Kris sa Somebody…

Dumating din sa party ang cast ng Somebody to Love na kasabay ang premiere night sa birthday party ni Mother Lily. Tanging sina Iza Calzado at Matteo Guidecelli lang ang lumapit sa aming mesa.

Tunuksu-tukso namin si Iza sa feedbacks sa role niya sa movie at exposure. Angat na angat siya at tinalbugan si Carla na simpli-simplehan lang ang role.

Sagot ni Iza, “Hoy, hindi naman totoo ‘yon. Pantay-pantay lang ang roles namin!”

Pero may nagsabi na very-Kris Aquino daw ang peg niya bilang talk show host.

 “Hindi totoo ‘yan! Intrigero ka talaga! It’s just a role! Ha! Ha! Ha!” sakay naman sa amin ni Iza.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

IZA

MADAME IMELDA

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with