^

Pang Movies

KC nag-level up na sa aktingan, ayaw pasapaw sa mga kasamahan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Wala pang nangyayari sa Ikaw Lamang Book II ni Coco Martin pero super abang na gabi-gabi ang mga fans sa teleserye nila ni Kim Chiu.

Ang lakas din mang-agaw ng eksena ni KC Concepcion na talagang nararamdaman ang presensiya sa teleserye. Parang walang ka-effort effort ito sa pag-arte pero umaagaw na siya ng atensyon sa manonood. Nag-level up na ang akting niya sa simpleng gestures at facial expressions nito.

Talagang pinaghandaan ni KC ang kanyang role at hindi papayag na lamunin ng kahit na sinong makaeksena nito sa teleserye. Akalain mong may chemistry sina KC at Coco kaya hindi dapat magpabaya si Kim or else baka mapag-iwanan siya ng karisma ng dalawa.

Jake tinanggal lahat ng negative sa katawan

Tapos na pala ang kontrata ni Jake Vargas sa Dyna Records kaya nagtatanong ang Galaxy Records kung puwede na siyang gumawa ng album sa kanilang label. Wala namang karapatan na magtampo si Jake sa GMA Records kung hindi siya binibigyan ng album kahit libre na siyang gumawa dahil mas marami pang talents ang priority kesa sa kanya. Kaya pinapayagan siyang gumawa ng album sa iba.

Basta thankful si Jake dahil muli silang pinagkatiwalaan ng GMA Network na gumawa ng series na Starberry Lane kasama ang ka love team at girlfriend na si Bea Binene na ipapalit sa My BFF na nagsimula nang magbangko ng mga episode.

Sinimulan na rin nila ang Liwanag sa Dilim movie kasama si Sarah Lahbati na iri-release naman ng Tape Inc.

Kaya walang puwang kay Jake ang negative issues dahil nagbagong buhay na raw sila ni Bea na nag-promise na aalagaan ang kanilang love team para sa kanilang fans pati na rin ang tiwala ng GMA management sa kanila. 

 

vuukle comment

BEA BINENE

COCO MARTIN

DYNA RECORDS

GALAXY RECORDS

IKAW LAMANG BOOK

JAKE VARGAS

KAYA

KIM CHIU

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with