^

Pang Movies

Aktor kinunan ng feet double ni direk dahil sa kapangitan ng paa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maraming fans ng morenong aktor na ito ang nag-react nang mapansin nilang iba ang hitsura ng mga paa nito sa isang eksena ng kanyang teleserye.

May eksena kasing may close-up ang mga paa ng morenong aktor, pero obvious na hindi niya mga paa iyon dahil mamula-mula ito at hindi kakulay ng katawan ng naturang aktor.

Nalaman nga ng source namin na hinanapan pala ng “feet double” ang morenong aktor dahil hindi nagandahan ang direktor nang i-close-up ang mga paa nito.

Hindi naman daw madadaan sa special effects para mapaganda ang hitsura ng mga paa nito kaya nagpahanap na lang daw ng dobol para magandang lumabas ang eksena.

“Mukha raw hindi paa ng artista. Para raw hindi nagpapa-foot spa. Eh si Direk, very particular sa mga visuals. Baka raw ma-turn off ang mga televiewers sa mga paa ni aktor.

“Kaya nagpahanap siya ng feet double. Wala raw mahanap na magandang paa ng lalaki na kakulay ng aktor. Kaya ‘yung nahanap nilang kagandahan ang mga paa, medyo tisoy. Kinunan na lang nila na medyo madilim,” kuwento pa ng source namin.

Noong makarating nga sa aktor ang pagkuha ng feet double sa kanya, napahiya raw ito at agad na pumunta ng salon at nagpa-foot scrub.

Hindi nga nagpapa-foot scrub ang aktor dahil nakiki­liti raw siya. Pero sa pagkakataong ito, tiniis niya dahil inokray ang mga paa niya ng direktor.

Naging reminder iyon sa kanya na hindi porke’t nakatago ang mga paa ng isang tao ay hindi na ito kailangan alagaan.

Papa P pang international na rin!

After ni Anne Curtis, si Piolo Pascual naman ang ipi-feature ng E! News Asia sa kanilang special edition.

Pinapakita na ang ilang parts ng interviews ni Piolo at sinusundan nga siya ng E! News Asia crew sa kanyang mga ginagawa sa buong linggo.

Ang nakakatawa pa ay kung ang tawag ng mga fans ni Piolo sa kanya ay “Papa P”, iyon din ang binabanggit ng nagbu-voice-over sa special feature na ito ni Piolo.

Pinasilip ni Piolo sa E! News Asia kung saan saan siya nagwu-workout dahil makikipag-compete rin pala siya sa Ironman Challenge sa Cebu.

vuukle comment

AKTOR

ANNE CURTIS

IRONMAN CHALLENGE

NEWS ASIA

PAA

PAPA P

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with