^

Pang Movies

Kontrobesiyal na personalidad hindi masikmurang pakasalan ang mahal na mahal na BF

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi puwedeng magpakasal ang dalawang kontrobersyal na personalidad dahil hindi pa napapawalang-bisa ang kasal ng babae sa kanyang first husband.

Nangungulit na ang long-time dyowa ng babae na magpakasal sila para maging legal na ang kanilang pagsasama.

Ayaw ng girl na magpakasal, kesehodang love na love niya ang kanyang boyfriend dahil hindi pa annulled ang kasal nila ng first husband niya.

Bukod sa hindi pa annulled ang kasal nila, wala nang tiwala ang girl sa kanyang boyfriend dahil sa mga eskandalo na kinasangkutan nito.

 “I love him but I don’t trust him” ang makahulugan na dialogue ng girl na patungkol sa boyfriend niya na “now you see, now you don’t”  sa showbiz scene.  

Ryzza Mae ‘di pa rin tanggap na kasama siya sa listahan ng mga magaganda

Maliit na bagay lang para kay Ryzza Mae Dizon ang pagkakahirang sa kanya bilang isa sa 100 Most Beautiful Cele­brity ng YES! Magazine, pero sulit na sulit dahil paulit-ulit na binabanggit sa Eat Bulaga ang karangalan na natanggap niya.

Bonggang publicity para sa Most Beautiful issue ng YES! ang madalas na pagbanggit ng Eat Bulaga hosts sa award na ibinigay nila kay Ryzza na hindi pa rin makapaniwala ang bata na maganda siya.

 

Buti ‘di sumapol, sasakyan ni Iza muntik DURUGIN ng puno!

Nagtatanong si Iza Calzado kung may bagyo dahil muntik nang mabagsakan kahapon ng sa­nga ng puno ang kanyang sasak­yan.

Hindi nag-iisa si Iza dahil marami ang nagtatanong tungkol sa lagay ng panahon dahil sa malakas na buhos ng ulan kahapon.

Dalawang namumuo na bagyo na binigyan na pangalan na Inday at Jose ang binabantayan ng PAGASA. Ipagdasal natin na sumikat na ang araw at huwag matuloy ang bagyo dahil kawawa ang mga kababayan natin na hindi pa nakaka-recover mula sa pinsala na iniwan ng Typhoon Glenda.

 

‘Wala akong makitang kapintasan ni Toni’

Tanggap ni Toni Gonzaga na hindi ito magandang-maganda pero nagtagumpay siya na matupad ang dream na maging artista.

Talented naman kasi si Toni kaya naging successful ang kanyang showbiz career.

Kung ako ang tatanungin, maganda si Toni, lalo na nang magkaharap kami sa presscon ng Celestine, ang forthcoming major concert niya sa The Arena ng Mall of Asia.

Magandang magdala ng damit si Toni at gustung-gusto ko ang kanyang hairstyle.

Sorry na lang sa detractors ni Toni na obvious na naiinggit sa kanya. Walang masama na ginagawa si Toni sa kapwa at para siraan siya ng ibang mga tao, isa lang ang ibig sabihin nito, kinaiinggitan siya ng mga utak talangka.

‘Pero nakapagpigil akong mangharbat’

Mama Loi may pasalubong kay Papa Jinggoy galing Amerika

Parang hindi naman tumaba si Senator Jinggoy Estrada nang dalawin ko sila ni Senator Bong Revilla, Jr. sa PNP Custodial Center noong Miyerkules.

Pumayat nga si Papa Jinggoy sa paningin ko. Manipis na lang ang bigote niya dahil nag-ahit na siya.

Nakasabay ko sa pagdalaw kay Papa Jinggoy ang kanyang madir, si former First Lady Loi Ejercito na kararating lang mula sa Amerika.

Na-sight ko ang mga pasalubong ni Mama Loi. Umiral ang respeto ko kay Mama Loi kaya napigilan ko ang sarili ko na maki-share o harbatin ang mga pasalubong  niya para sa kanyang panganay na anak.

Na-feel ko at nakita ko talaga ang matinding pagmamahal ni Mama Loi kay Papa Jinggoy nang magpang-abot kami sa custodial center.                          

vuukle comment

CENTER

DAHIL

EAT BULAGA

KANYANG

MAMA LOI

PAPA JINGGOY

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with