^

Pang Movies

Matteo may kinalaman, Sarah nanalong most beautiful

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang nagmumura na kagandahan ni Sarah Ge­ro­nimo ang napansin ng mga dumalo kahapon sa press launch ng Most Beautiful ng YES! Magazine.

Obvious na may kinalaman si Matteo Guidicelli sa blooming beauty ng kanyang girlfriend.

 I’m sure, maligayang-maligaya si Sarah dahil walang kumokontra sa relasyon nila ni Matteo. Lahat eh botong-boto kay Matteo bilang first and hopefully, last dyowa niya.

Intrigang kabaklaan, burado na

Paolo halimaw at mabangis na ang image

Life goes on para kay Paolo Bediones.

Hindi nagpaapekto si Paolo sa sex video scandal niya na in demand na in demand sa mga nagpapantasya sa kanya.   

Nag-report na si Paolo sa news program niya sa TV5 at dedma sa isyu ang kanyang co-workers na napanood din ang sex video.

Very lucky guy si Paolo dahil sa suporta sa kanya ng TV5 management. Walang dapat ipag-alala si Paolo dahil naiintindihan ng TV5 ma­nagement ang kanyang sitwasyon.

Pinagdudahan noon ang sexuality ni Paolo dahil prim and proper siya.

Pero nagbago ang impression kay Paolo dahil sa paglitaw ng kanyang alleged sex video.

Napatunayan ng mga nagdududa na tunay na mhin si Paolo. Maling-mali ang kanilang akala at mga hinala tungkol sa sexual preference ni Paolo na tinawag nila na mabangis at halimaw sa bed scenes. Bed scene raw o!

Trophy wife naka-B

Tagumpay ang red carpet premiere kagabi ng Trophy Wife ng Viva Films.

Dinagsa ng manonood ang premiere  night ng Trophy Wife dahil intrigang-intriga sila sa magandang trailer ng pelikula.

Confident ang mga artista  ng Trophy Wife na magugustuhan ng moviegoers ang kuwento ng kanilang sizzling movie.

Graded B nga pala ang pelikula ng Cinema Evaluation Board (CEB).

vuukle comment

CINEMA EVALUATION BOARD

GRADED B

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

MOST BEAUTIFUL

PAOLO

PAOLO BEDIONES

SARAH GE

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with