Arjo pangungunahan ang artistakbo
Ang 2012 PMPC Star Awards for Television, Best Male New TV Personality at 2013 Star Awards for Television Best Drama Supporting Actor para sa Dugong Buhay na si Arjo Atayde ang mangunguna sa Artistakbo 2014. Ito’y idaraos sa Agosto 3, 2014 na magsisimula sa Quezon Memorial Circle.
Walang bisyo si Arjo at puwedeng magsilbing magandang halimbawa ng mga kabataang artista kaya sumang-ayon agad ito dahil makabuluhan ang proyekto kung saan ang malilikom na pera ay mapupunta sa Anti-drugs at Health Awareness Campaign.
‘‘Maganda at makabuluhan ang Artistakbo dahil ito’y para sa Bulacan Rehabilitation Foundation, Inc., Umiiwas ako sa ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng dibdibang pagtatrabaho. Naniniwala kasi ako sa kasabihang ‘A Healthy body is a Healthy mind’,”aniya.
Makakakasama ni Arjo sa Artistakbo ang iba pang celebrities gaya nina Ronnie Ricketts, Ejay Falcon, Rocco Nacino, Matt Evans, Aaron Villaflor, Jestino Alarcon, Onyok Velasco, Arci Muñoz, Maui Taylor, Billy James, Dennis Padilla, at iba pa.
Ang Race Category ng 21 kilometers ay may entry fee ng P800.00, 10K- P700, 5K – P500.00, at 3K — P400.00.
Ang Registration Outlets ay sa Yebahdabadoo office sa Unit 14, 2nd Flr. Wilcon City Center, 121 Visayas Ave., Brgy. Bahay Toro, Q.C., Royal Sporting House — Festival Mall Alabang, Robinsons Place Manila, Glorietta 4 Makati and Gateway Mall Cubao, every Friday, Saturday and Sunday from 1:00 p.m. to 7:00 p.m.
Para sa karagdagang detalye tumawag kay Mr. Dems/Ms. Josie at sa telepono blg. (02) 4551355 o sa 09357510692.
James sandali lang sa Italy
Pupunta sandali si James Yap sa Italy kasama ang kanyang Italyanang girlfriend para magbakasyon. Magkasundo sila ng nobya sa lahat ng bagay.
- Latest