^

Pang Movies

Matteo baka magselos, Piolo pagbibigyan ang dream ni Sarah!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayaw na sanang gumawa pa ni Piolo Pascual ng pelikula pagkatapos ng blockbuster film niyang Starting Over Again with Toni Gonzaga.

Aminado siyang mahirap tumbasan o higitan ang kinita ng pelikula na umabot sa mahigit 400M dito at internationally.

Dapat ay may gagawin na nga siya ulit na pelikula sa Star Cinema pero say niya, idinide-delay daw niya ang paggawa nito dahil ayaw na nga raw sana niyang sundan pa ang last film.

“Sabi ko nga sa kanila, huwag na lang akong gumawa ng pelikula. Tapusin na natin do’n,” natatawang sabi ng aktor.

“Pero kailangan, eh. Nasa kontrata. So, hindi ko pa alam. Sabi sa Star Cinema, there’s gonna be one movie before I do another (film with) Toni. But it still depends because we’re working everyday. We’re taping 4x a week, Monday, Tuesday, Wednesday, and Friday for the soap (Hawak Kamay), so I wanna concentrate on this one first bago ko isipin ‘yung pelikula.

“Pero nakakatakot po talaga kung paano ko ‘yun susundan,” say pa ni PJ.

When asked kung magkakaroon din ba sila ng pelikula ni Sarah Geronimo dahil vocal din naman ang Pop Star sa pagsasabing siya ang ultimate dream leading man nito, ayon sa aktor ay meron naman.

“Definitely,” he said. “She’s one of the few na gusto kong makasama, but kasi, nagkasunud-sunod sa kanila ni Lloydie (John Lloyd Cruz), ‘di ba?

“And then I also got busy with soap and movies. So if it comes, it comes. I hope, matuloy,” say ni Piolo.

Jay-R at Kyla nagka-aminan kung kailan hindi na puwede para sa isa’t isa

Kaaliw ang usapan kahapon sa Kris TV ng mga hosts (Kris Aquino and co-hosts Carmina Villaroel and Erich Gonzalez) at mga guests na sina Jay-R, Kyla, Erik Santos, and the love guru.

Tungkol sa love ang topic at umamin si Erik na nasa stage sila ni Angeline Quinto ngayon na kinikilig siya kapag nagte-text ito.

Kwento nga niya, araw-araw naglu-look forward siya ng text mula sa dalaga at nang time na nasa abroad siya, kumuha pa raw siya ng data plan para lang magka-text-an sila.

Say pa ni Erik, nakatutok daw siya sa kanyang cell phone parati at naghihintay ng text from Angeline. At ‘pag matagal daw mag-reply, nakakainit ng ulo.

Ayon kay Erik, nasa stage sila ni Angeline na getting to know each other. Kinanta nga niya ang We’re Getting to Know Each Other at ‘yun daw ang state ng kanyang puso ngayon.

Pero nakakalito lang dahil kwento niya, nag-“I love you” raw sa kanya sa text si Angeline at nag-I love you back siya. ‘Yun nga lang, hindi raw niya alam kung lalagyan niya ng malisya ang text na ‘yun.

“Hindi ko alam kung saan pupunta, kung sa friendship o romantic love. Pero each day, parang naglu-look forward ako sa text niya,” say ni Erik.

Si Kyla and Jay-R naman ay umaming nagkaroon sila ng crush sa isa’t isa noon. Pero say ng huli, wrong timing lang daw that time dahil may girlfriend siya.

Say naman ni Kyla, hindi niya raw kasi ma-gets din si Jay-R that time.

Si Jay-R naman, halatang nagulat at na-flatter sa pag-amin ni Kyla na crush siya. Too bad, nalaman niya ito ngayon na may asawa na si Kyla.

 

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

CARMINA VILLAROEL AND ERICH GONZALEZ

ERIK

JAY-R

KYLA

NIYA

PERO

SIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with