^

Pang Movies

Aktres hindi na kinuha sa dating iniendorso, ibang commercial kanselado na rin DAW

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naawa naman kami sa kuwento ng isang friend na may alam tungkol sa mga agencies na kumukuha ng mga celebrity endorsers. From her, nalaman namin na may mga endorsements ang isang actress na hindi na ni-renew ngayon. Hindi na rin siya kinuhang muli sa ibang TV commercial shoot nito.

Direk Louie pupunta sa Vatican para magpasalamat sa mga biyaya

Sa Sunday, April 27, ang canonization nina Blessed Pope John Paul II at Blessed Pope John XXIII sa Vatican City in Rome. Sina Ms. Mel Tiangco, Ms. Jessica Soho, Mariz Umali, Raffy Tima, at Jiggy Manicad ang magku-cover ng blessed event na mapapanood naman natin sa GMA 7 at GMA News TV. 

Nakausap namin si Direk Louie Ignacio na paalis today, April 24, for Vatican City. Noong maging Papa si Pope Francis, isa rin si Direk Louie sa libu-libong sumaksi roon at ngayon, gusto naman niyang masaksihan ang pagiging Santo ng dalawang Blessed Popes. Pasasalamat din daw niya iyon sa mga sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.  Isa sa ipagpapasalamat ni Direk Louie ay ang pagkapanalo ng idinidirek niyang Tropang Potchi sa katatapos na New York Television Festival. Isa pa ay ang muling pag-renew ng another season at winner din ng Outstanding Educational Program and Hosts sa katatapos na Golden Screen TV Awards ng Enpress.  Napapanood ito sa GMA 7, every Saturday, 9:30 a.m.

May bago rin siyang ila-launch na daily show, ang Basta Everyday Happy. Nasa production preparation na siya na mapapanood once a week at soon ila-launch naman ang idinirek niyang new music video ni Julie Anne San Jose sa bago nitong album sa GMA Records. Pero babalik din agad sa bansa si Direk Louie dahil may five shooting days pa siya sa kanyang first indie film entry sa Cinemalaya, ang Asintado. Tampok dito sina Aiko Melendez, Rochelle Pangi­linan, Gabby Eigenmann, Raymond Bagatsing, at Jake Vargas.

Fans ng tambalang Elmo at Julie Anne, tuloy sa pag-atake kay Janine

Kahit nangunguna sa ratings ang Villa Quintana, hindi pa rin nawawala ang mga bashers ng mga lead stars nitong sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.  Kaya nakikiusap si Elmo sa mga fans, lalo na ang fans nila ng dating ka-love team na si Julie Anne San Jose, na sana ay tigilan na nila ng pamba-bash kay Janine. Kung saan inakusahan nila nang pang-aagaw. 

Ayon pa kay Elmo, sana ay maunawaan ng mga fans na desisyon ng GMA Network na sila ang pagtambalin ni Janine sa kanilang drama series. At sana raw ay wala nang gulo sa mga fans dahil magkakaibigan naman daw sila nina Julie Anne at Janine. Thankful naman si Elmo kay Janine dahil hindi na lamang nito pinapansin ang  bashers niya at masaya lamang silang nagtatrabaho.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

BASTA EVERYDAY HAPPY

DIREK LOUIE

ELMO

JANINE

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

VATICAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with