^

Pang Movies

Epilepsy ni Alma gumaling nung Mahal Na Araw

Roland Lerum - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nitong Holy Week, biglang lumabas si Alma Concepcion para sabihing pinaghimalaan daw siya ng Diyos. Pinagaling daw siya sa kanyang sakit.

Matagal na akong may epilepsy pero ngayon, wala na.  Pinagaling na ako ng aking faith sa Diyos,” pagtatapat niya.

Gusto nang mag-comeback ni Alma ngayon sa showbiz, pero kailangan niyang magpa-slim muna.  Masyado kasi siyang tumaba ngayon.  Kung noong beauty queen pa siya ay perfect ang vital statistics niya, ngayon ay mukhang 38-28-39 na siya. Mother roles na lang siya talaga. Mas bata nga siya kay Maureen Mauricio pero mas slim at mukhang bata si Maureen sa kanya. Ipinangako naman niyang magpapapayat siya pagkatapos ng Semana Santa, dahil kailangan niyang makapagtrabaho para sa nag-iisa niyang anak.

 

BB kinalimutan na ang PBB?

After two years, nagbabalik ang Bahay ni Kuya o Pinoy Big Brother sa ere.  Last Sunday, nag-promo sina Kim Chiu, Keanna Reeves, Robi Domingo at iba pang winners at non-winners sa ASAP 19.  Medyo pumayat si Keanna. Waley naman apir si Ejay Falcon. Hindi naman garantiya na sisikat ka ‘pag nanalo ka sa Pinoy Big Brother. Flash in the pan lang si Keanna. Nalaos agad. Si Kim Chiu ang pinakasuwerte. Hindi naman agad nabigyan ng break si Ejay Falcon matapos manalo. Mas nabigyan pa ng hosting job si Robi Domingo.

Hindi umapir si BB Gandanghari last Sunday. Dito pa naman sa Bahay ni Kuya una siyang bumandila na bading siya.  Naloka ang televiewers noon. Hanggang ngayon, ‘yung promise ni Robin Padilla na bibigyan ng solo movie si BB ay hindi pa natutuloy.

April 27 na ang ere ng Pinoy Big Brother sa primetime.

 

Raymond Lauchengco nag-iba na ang boses?

Grand album launching ni Raymond Lauchengco noong Easter Sunday sa ASAP 19.  Dating Kapuso si Raymond, pero ngayon bigla siyang naging Kapamilya. Medyo nagkaedad na si Raymond. Nakapag-asawa rin siya. Dati kasi natsitsismis din siyang bading. Buti na lang iwinaksi niya ito.  Maganda ang boses ni Raymond. Marami rin siyang naging album, kahit hindi pa uso ang CD noon. Ngayon, may bago na siyang CD album na aabangan ng fans niya.

The Promise ang title ng bagong CD album ni Raymond at ang carrying single ay Nothing’s Gonna Change My Love for You.

vuukle comment

ALMA CONCEPCION

DATING KAPUSO

EJAY FALCON

PINOY BIG BROTHER

RAYMOND

RAYMOND LAUCHENGCO

ROBI DOMINGO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with