^

Pang Movies

GMA suko na sa labanan, mga lumang pelikula na lang ipinalalabas!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matagal na naming napuna iyon, pero ngayon mukhang marami na nga ang nakakapansin dahil pinag-uusapan na maging sa Internet. Nagtatanong sila, sumuko na nga raw ba ang GMA 7 sa labanan, at ngayon ay wala na silang nailalabas na teleserye kung hindi mga lumang pelikula na nai-dub na sa Tagalog?

Matagal na rin namang tumatakbo ang ganyang sitwasyon at ilang dahilan ang nakikita namin kung bakit ganyan. Siguro nga noong araw ay marami silang nakuhang film rights na malapit nang mag-expire at kailangan nilang gamitin dahil sayang. Ang isa pang dahilan, siguro nga ay nagtitipid din sila dahil mas mura ang kumuha ng film rights, ’tapos ipa-dub na lang nila sa Tagalog kaysa sa mag-produce sila ng mga teleserye. Ikatlo, baka naman natanggap na nilang sa ngayon ay mahirap itumba ang mga drama sa primetime ng kanilang kalabang ABS-CBN kaya pinalilipas muna nila iyon. Ang ika-apat na posibleng dahilan at pinakamalala, baka naubusan na sila ng ideya.

Pero hindi maganda ang dating sa audience ng pagpapalabas nila ng lumang pelikula.

Pelikula ni Daniel na noon pa tapos ra-ride sa kanyang kasikatan?!

Siguro nga dahil sa kumita ang pelikula ni Daniel Padilla sa nakaraang film festival kaya ilalabas na naman ang isang pelikulang kasama siya, na ginawa mga dalawang taon na ang nakararaan. Dating pelikula na iyon pero hindi nila nailabas agad. Naisip nga siguro nila na ito na ang magandang panahon para sa pelikulang iyon dahil matindi na ang popularidad ng young actor. Hindi man siya ang talagang bida sa pelikula, malaking bagay kung bibigyan siya ng top billing.

Pero kahit na nga sinasabing makakatulong ang pagkakasali ni Daniel sa pelikula, iyon naman ay isang malaking sugal para sa kanyang career. Paano kung hindi kumita nang malaki? Sasabihin bang iyon ay isa lamang wrong project o sisisihin din si Daniel?

Hindi guarantee ang pagkakaroon ng popular stars sa isang pelikula para kumita. Alam naman natin na lately ay may mga pelikulang ang stars ay mga sikat na artista pero sumasablay pa rin sa takilya. Iyon nga lang pelikula ni Robin Padilla eh sinasabing maganda, at sikat naman siya, pero hindi rin namin malaman kung bakit gumulong din sa takilya.

Siguro nga hindi rin naging maganda ang kanilang presentation, o baka naman nagkulang din sila sa promo ng pelikula, eh ang mga kalaban nila suportado ng mga malalaking network. Iyong isa pa ay nakipag-tie up sa kung anu-anong produkto kapalit ng television advertising.

Ang pelikula ni Daniel noong festival, suportado iyon at produced ng Star Cinema na alam naman nating subsidiary rin ng ABS-CBN at malaking advantage iyon pagdating sa promo. Eh kung hindi?

Kung sabihin nga nila, “strike while the iron is hot”. Pero ang kasabihang ’yan, okay lang sa mga panday. Sa showbusiness hindi dapat ganyan.

Direktor nganga na naman, produ nang gagawing indie inayawan ang aktres na laos na

Mangiyak-ngiyak ang isang director nang biglang umurong ang inaasahan niyang financier para sa susunod niyang pelikula nang malaman na ang kinukuha niyang artista para sa kanyang indie film ay ang idol niya, na laos na naman ngayong aktres.

“Aktres nga, laos naman, huwag na,” ang sabi pa raw ng producer.

Jobless na naman si Direk.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

IYON

KUNG

NAMAN

PELIKULA

PERO

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with