^

Punto Mo

EDITORYAL - Kulang pa sa paghahanda

Pang-masa
EDITORYAL - Kulang pa sa paghahanda

KAHIT na may mga isinasagawang earthquake drill ngayon para maimulat ang lahat sa pagtama ng “The Big One”, hindi pa rin lubos na masasabing handa ang pamahalaan sakali nga at tumama ng malakas na lindol. Kahit pa ituro kung paano ang mga gagawin kapag lumindol gaya nang pagyuko, paggapang, pagtatago sa ilalim ng mesa, huwag gumamit ng elevator, lumayo sa mga salamin na maaaring mabasag ganundin sa mga haligi at kisame na maaaring bumagsak, kulang pa rin ito at mayroon pang mga mahahalagang dapat malaman sakali at tumama ang “The Big One” na ayon sa Phivolcs ay marami ang mamamatay kapag umabot sa 7.3 magnitude ang lindol.

Sa isang pag-aaral na kinomisyon ng ilang ahensiya, lumalabas na kulang na kulang sa mga kaalaman kung paano ililigtas ang mga taong na-trapped o nalibing sa guho. Paano ang gagawin sakali at may mga nabagsakan? Ano ang mga kailangang kagamitan sa pag-aalis ng mga bumagsak na konkreto o mga bakal. Ano ang mga gagawin sakali at biglang sumiklab ang apoy pagkatapos ng lindol. Kadalasang ang kasunod ng lindol ay sunog.

Sa mga isinasagawang drill, kadalasan ay walang equipment kung paano ibababa ang mga na-trapped sa gusali. Nakita na walang ladders para sa mga matataas na gusali o condo kaya. Paano kung may nakulong sa ika-10 palapag o mahigit pa.

Napansin din na karaniwang ang drill ay isinasagawa kung araw. Paano kung tumama ang lindol sa kalaliman ng gabi. Kailangang magdaos din ng drill sa gabi para magkaroon ng kasanayan ang mga tao.

Inihayag ng Phivolcs ang mga lugar na nasa ibabaw ng West Valley Fault pero marami pa rin ang hindi nakaaalam nito. Mas maganda kung ipakakalat ang mapa ng lugar na sakop ng fault para ganap na maintindihan ng mamamayan. Kung ganito ang gagawin, magiging aware ang lahat at makapaghahanda sa pagtama ng lindol.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with