PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Win No. 5 isusulong ni Wesley sa Steel-Corus

WJK AAN ZEE, Netherlands - Sumasakay sa kanyang four-game winning streak, sasagupain ni Filipino GM Wesley So si GM Li Chao ng China sa ninth round ng 73rd Tata Steel-Corus Group B chess championship sa de Morianne Community Center.

Nanggaling ang 17-anyos na si So sa isang malaking panalo kay GM Wouter Spoelman ng Netherlands sa eighth round para maagaw ang liderato.

Matapos makatulak ng draw sa una niyang apat na laro, apat na panalo naman ang isinulong ng pambato ng Bacoor, Cavite mula sa kanyang mga panalo kina GM Surya Ganguly ng India, Laurent Fressinet ng France, David Navara ng Czech Republic at Spoelman. Kalahating puntos ang lamang ngayon ni So sa dating solo leader na si GM Luke McShane ng England sa naturang 14-player, category 17 tournament.

Si Li ang siyang umangkin sa President Gloria Macapagal Arroyo Cup noong Nobyembre 2007 pati na ang Philippine Open sa Subic noong Mayo 2008.

Matapos si Li, ang mga susunod na kalaban ni So ay sina GM Vlad Tkachiev ng France, GM Friso Nijboer ng the Netherlands, McShane at top seed GM Radek Wojtaszek ng Poland.

  • Follow Us: