PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Adamson wagi sa Baste sa Shakey's V-League

MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng karayom ang Adamson upang ipalasap sa San Sebastian ang kauna-unahan nitong kabiguan sa ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 sa loob ng limang sets, 16-25, 26-24, 25-23, 16-25 at 15-10 kamakalawa ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Pinagbidahan ni guest player at dating MVP Nerissa “Nene” Bautista ang impresibong atake ng Lady Falcons sa kanyang kinopong 21 puntos habang nakakuha siya ng ayuda mula kay Angela Benting na mayroong 13 puntos para igiya ang Adamson sa kanilang ikatlong panalo sa limang laro.

Nagsanib puwersa naman ang dalawang guest pla­yers ng Lady Stags na sina Jeng Bualee na mayroong 26 puntos at Suzanne Roces na may 21. May tig-12 naman sina Elaine Cruz at Joy Benito para sa koponan ni coach Roger Gorayeb na natikman ang kanilang unang talo sa season-ending conference ng ligang inorganisa ng Sports Vision at iniisponsoran ng Shakey’s Pizza.

  • Follow Us: