PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kuznetsova namayani

SYDNEY --- Umabante si French Open champion Svetlana Kuznetsova sa second round matapos talunin si Russian Alisa Kleybanova, 6-2, 6-7 (3), 7-5, sa Sydney International kahapon.

Buhat sa 0-2 agwat sa third set, umarangkada ang third-seeded na si Kuznetsova, nagreyna sa 2004 U.S. Open, upang tuluyan nang igupo ang kanyang kababayang si Kleybanova.

Kagaya ni Kuznetsova, pumasok rin sa second round si Daniela Hantuchova ng Slovakia nang igupo si Virginie Razzano ng France, 6-3, 6-0.

Pinatalsik naman ng nagdedepensang si Elena Dementieva, tumalo kay Kuznetsova sa finals ng 2009 Sydney International, si Italian Francesca Schiavone, 6-2, 7-5.

Maglalaro si top-seeded Serena Williams para sa kanyang unang singles match sa Martes.

  • Follow Us: