PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Williams hinatak ang Jazz sa panalo

DALLAS --- Kumolekta si Deron Williams ng 20 puntos at 9 assists sa kanyang pagbabalik sa line-up at tulungan ang Utah Jazz sa 111-93 paggupo sa Dallas Mavericks.

Nagdagdag si Carlos Boozer ng 15 marka para sa Jazz, hindi pinalapit ang Mavericks sa 13 puntos sa huling 21 minuto ng kanilang laro.

Pinangunahan ni Dirk Nowitzki ang Mavericks mula sa kanyang 29 produksyon.

Sa Sacramento, isang jump shot ni Tyreke Evans sa huling segundo ng laban ang naglusot sa 102-100 tagumpay ng Sacramento Kings sa Denver Nuggets.

Tumapos si Evans na may 27 puntos, kasama rito ang isang 10-footer para sa Kings, samantalang tumalbog naman ang tres ni J.R Smith sa panig ng Nuggets sa pagtunog ng final buzzer.

Umiskor si Chauncey Billups ng 27 puntos para sa Denver, tampok rito ang isang tres para itabla ang laro sa 100-100 sa huling 11 segundo.

Ito ang pang limang pagkakataon na hindi naglaro si Carmelo Anthony para sa Nuggets bunga ng knee injury.

Sa Houston, dinuplika ni Luis Scola ang kanyang season-high 23 marka para igiya ang Houston Rockets sa 105-96 tagumpay kontra New York Knicks.

Nag-ambag si Aaron Brooks ng 20 para sa Rockets, habang may 26 naman si David Lee sa panig ng Knicks.

Sa Charlotte, isang tip in ni Gerald Wallace buhat sa mintis ni Raymond Felton sa final buzzer ang nagbigay sa Charlotte Bobcats ng 89-87 panalo laban sa Memphis Grizzlies.

May 19 marka si Felton kasunod ang 18 ni Wallace para sa Bobcats na may 13-4 sa kanilang balwarte.

Sa Orlando, ipinakita ng Orlando Magic ang kanilang dominasyon sa Atlanta Hawks matapos kunin ang 113-81 panalo upang wakasan ang kanilang apat na sunod na kamalasan.

  • Follow Us: