^

PSN Opinyon

Mabuting proyekto, masamang pamamaraan!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

HINDI masamang magkaroon ng broadband network ang bansa, para lahat ng ahensiya ng gobyerno ay kone-konektado. Hindi na kailangan maghintay ng mga dokumento na ipadadala pa sa koreo kung makukuha na kaagad mula sa internet. Hindi masama magkaroon nang maraming riles na magdudugtong sa maraming bahagi ng bansa, katulad ng Northrail. Lahat ng mga mauunlad na bansa ay may mga moderno at mabibilis na sistema ng tren kaya marami ang makikinabang. 

Hindi masama ang mabigyan ng mga sasakyan ang parokya, para magawa ng mga pari nila ang trabaho bilang mga pastol. Hindi masama mabigyan ng mga bagong helicopter ang PNP, para mas malawak ang kanilang kakayanan labanan ang krimen. Hindi masama ipagawa ang mga V-150 na armored personel carrier ng PNP, para maayos tumakbo sa oras ng pangangailangan. Hindi masama ang mabigyan ang mga magsasaka ng pondo pambili ng abono, para mabilis tumaba at tumubo ang kanilang mga pananim. Hindi masama magpadala ng mga opisyal na pulis sa ibang bansa, katulad ng Russia, para dumalo sa pagtitipon ng mga nagpapatupad ng batas sa buong mundo. Hindi masamang bigyan ng libreng kape ang mga manlalaro sa casino. Lahat ito, hindi mga masasamang proyekto, at nakabubuti sa bansa. At dahil lahat ito ay naganap sa administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo, patunay lang daw na maayos ang mga programa ng dating pangulo, at wala siyang masamang ginawa. Ito’y ayon sa mga mambabatas na pilit tinutrumpeta ang mga nagawa ng dati nilang pinuno.

Ang masama, ay yung lahat ng pamamaraan para makamit ang mga hindi masamang mga proyektong nabanggit. Masama ang mag-tong-pats ng presyo ng proyekto para mabulsa ang sobra! Masama ang magbenta ng segunda manong gamit at pinapasa na bago! Masama ang mga mala-laking pabaon sa mga pulis na heneral sa tuwing lumalabas sila ng bansa, klahit opisyal na biyahe pa! Masama ang pumasok sa isang kontrata na agrabiyado ang gobyerno, para lang may mabulsa! Sa madaling salita, masama ang kumita sa mga proyektong gobyerno, dahil pera ito ng mamamayan! Dito, tahimik ang mga maiingay nakaalyado ni Arroyo! Halos hindi tumitigil ang mga nasisiwalat na anomalya, katiwalian, korapsyon na may kaugnayan sa mga inumpisahang proyekto sa ilalim ng administrasyong Arroyo. Kaya ano ang ipagmamalaki ng kanyang mga kaalyado? Walang makakaalala sa mga mabuting ginawa, kung sa puro masamang paraan naman magagawa!

Sa ilalim ng administrasyong Aquino, damage control ang nagagawa. Pagtitipid sa mga sobrang patong na proyekto. Pag-aayos sa mga programa ng gobyerno para sa mamamayan. Tamang sahod para sa mga nagtatrabaho sa mga gobyernong korporasyon. Tamang pagbili ng mga bagay katulad ng kape!                            Lahat tinatama nitong administrasyon. Iyan, pwedeng ipagmalaki kahit sa mga darating pang panahon, dahil maaalala ang mga mabuting nagawa. Sa nakaraang administrasyon, kung may nagawa mang mabuti, burado na dahil sa mga basurang nauungkat!

Kaya sa mga maiingay na kaalyado, baka pwedeng magtrabaho na lang para umunlad ang bansa. Hindi yung binibida pa ang dating presidente, na ang iniwang pamana ay katiwalian, korapsyon, anomalya. Doon, hindi siya makakalimutan!    

vuukle comment

AQUINO

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

KAYA

LAHAT

MASAMA

PARA

TAMANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with