^

PSN Opinyon

Reality check

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

“OUR chances of winning in a shooting war may be bleak but we will definitely not allow anyone to defeat us in a word war”. Ito ang a-tapang na pahayag ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan tungkol sa tensyong namamagitan sa China at sa Pilipinas sa Spratlys.

Mahabang kuwento ang isyu ng ownership ng Spratly Islands. Mayroon bang batas na umiiral sa sitwasyong ito? Kung wala, batas kaya ng katwiran ang sundan? At kung hindi ito sundan, daanin na lang ba sa laki?

Salamat at hindi pa dinadaan ng China sa laki. Kung ganoon ang mangyayari – tama si Sen. Kiko, wala tayong­ panalo. Diplomasya at girian lang muna. Sa ganito ay hindi tayo agrabyado sa laki at yaman ng kalaban. Kahit man lang sa negosasyon, maari tayong umasta na parang kasing-laki ng China. Hindi ba’t laging mas OK na makipagnegosasyon mula sa malakas na posisyon? Nasa pagdadala lang naman yan. Pahabaan ng pisi, palakasan ng apog. Dapat a-tapang a-tao.

Dapat. So ano ang naging report card ng presidente? Sa Brunei visit, halos ideklara na niya na hindi tayo lalaban sa China “because they are at a great advantage”. Sa madaling salita, anumang pustura ng Pinoy na maari sanang iparada ni P-Noy ay, umpisa pa lang, sinurender na niya. Ayon mismo sa Editorial ng Inquirer kahapon, ”he could not have made it any clearer that he thinks the Filipinos pushovers. Even in the war of words with China, the Filipinos are wimps.” A-san a-punta a-tapang?

Hindi ko alam kung istilo ng presidente ang magpadehado tutal mayroon itong sikretong ilalantad sa huli. Sana ay ganoon nga --- nang hindi naman tayo manghina ang tuhod sa tuluyang kawalan ng kahihiyan ng pamahalaan. Nang binulaga ng Palasyo ang resbak ng U.S. sa pamamagitan ng Mutual Defense Treaty, buong akala nati’y iyon na ang Aquino secret weapon. Subalit agad naman nilinaw ng Amerika na hindi sila nakikialam sa regional disputes. Reality check! Mayroon pa kayang alas na nakatago si Boss?

Buong mundo ang nakamasid sa performance ni P-Noy. Anuman ang ikikilos niya ay siyang magiging imahe ng Pilipino. “Handog ng Pilipino sa mundo”, ani Jim Paredes sa ilalim ni Cory Aquino, “mapayapang paraang pagbabago”. Huwag naman sanang mapalitan ang titik ng awitin sa ilalim ni Noynoy Aquino ng “Handog ng Pilipino sa mundo, mapayapang paraang pagtatago”.

CORY AQUINO

DAPAT

HANDOG

JIM PAREDES

KIKO

MAYROON

MUTUAL DEFENSE TREATY

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with