^

PSN Opinyon

Larawan at pangalan

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MARAMING pulitiko at public servant ang dapat matuto sa mga kilos at kaugalian ni President Aquino. Sa kanyang unang talumpati bilang presidente ng Pilipinas, binanggit niya kaagad ang isang kaugalian na likas sa mga Pilipino na may posisyon sa gobyerno, kahit gaano kababa lang ito – ang paggamit ng sirena o wangwang. Pinahayag niya na hindi siya susunod sa ganung kaugalian, na pinatupad naman sa wakas ng PNP. Ngayon, mga otorisadong sasakyan na lang ang gumagamit ng mga sirena.

Isa pang kaugalian ng mga pulitiko na hindi susundan ni Aquino ay ang paglagay ng kanyang larawan o pangalan sa anumang proyekto ng gobyerno. Umikot ka sa Metro Manila, alam mo na kaagad kung sino ang mga mayor ng Makati, Pasig, Mandaluyong, Pasay, Quezon City, lahat na! Alam mo na rin kung sino ang mga kongresista nito! Mga pangalan kung saan-saan. Eskwelahan, poste ng ilaw, basurahan, waiting shed, billboard. Magbanggit ka ng isang bagay, tiyak may pangalan o larawan ng opisyal na kinauukulan. At huwag nating kalimutan ang dating chairman ng MMDA na nilagay ang kanyang larawan sa halos lahat ng bagay at lugar sa Metro Manila! Iyon ba ang kanyang ibig sabihin ng “guwapong Metro Manila”?

Si Aquino ay hindi susunod sa ganung nakasanayan. Ayaw niyang ipaskel ang kanyang larawan at pangalan sa kahit anong bagay o proyekto. Sino pa nga naman ang hindi nakakakilala sa presidente para ilagay pa ang kanyang larawan sa lansangan? Kabaliktaran ang lahat ng nagaganap ngayon sa administrasyong Aquino. Kung kayabangan at paglalamang sa kapwa mamamayan ang naging kaugalian ng nakaraang administrasyon, pagiging mapagkumbaba naman ang gustong iwang pamana ng kasalukuyang administrasyon.

At tama nga naman. Sila ay mga naninilbihan sa publiko, hindi para sambahin tulad ng nasa isip ng maraming pulitiko. Tapos na ang mga araw ng mga mayayabang. Meron pa rin diyan, na sana makatikim na rin nang kahihiyan mula sa presidente o sa mamamayan. Naibalik ang kapangyarihan sa mamamayan, kaya naman hindi kataka-taka na mataas ang gradong natatanggap ni Aquino mula sa tao. Sana lang ay permanenteng matanim na ang kaugaliang ito sa lahat, at hindi sa loob ng anim na taon lang. Mahirap na kung pababalikin pa ang mga mayayabang, at mapupuno na naman ng pangalan at larawan ang lansangan!

vuukle comment

ALAM

AQUINO

AYAW

ESKWELAHAN

METRO MANILA

PRESIDENT AQUINO

QUEZON CITY

SI AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with