^

PSN Opinyon

Ang kalusugan ay kayamanan (Una sa 3 bahagi)

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG kalusugan ay isa sa ating tanging yaman. Nahihiga ka man sa salapi ay balewala ang kayamanan mo kung ikaw ay maysakit at lalo na kung may taning na ang buhay.

Marami ang nagpapasalamat sa Pilipino Star NGAYON sa paglalathala sa BANTAY KAPWA ng tungkol sa makabagong paraan ng panggagamot ng maraming sakit sa pamamagitan ng Jade Nano-Cera Mattress. Marami na ang sumubok at nagpatotoo sa bisa ng medical device na ito na non-invasive at nakapagpapabuti ng immune system, blood circulation, cardiovascular system, at iba pa.

Si Fermina Bautista na taga-Caloocan City ay sumangguni sa RR Rejuvenation Clinic nina Dr. Romeo Orteza at Sis. Maricar Deocampo matapos na mabasa sa kolum na ito ang tungkol sa Jade Nano-Cera Mattress. Nagkaroon siya ng problema sa bato (glomerulo nephritis). Nagda-dialysis siya dalawang beses sa isang linggo para linisin ang dugo. Tuwing nagda-dialysis ay nagsusuka siya, nahihilo at nanghihina at hindi makatayo kinabukasang mag-dialysis siya. Sinabi ni Fermina na parang himala ang nangyari dahil isang higa pa lang sa miracle mat ay nawala na ang kanyang pagkahilo at pagsusuka at sumigla ang pakiramdam niya.

Nabawasan na ang kanyang pagda-dialysis at sasabihing ‘‘on the way to speedy recovery’’ na siya. Isa pang himala ang naranasan niya dahil lumiit ang kanyang almoranas at hindi na siya magpapa-opera.

(Itutuloy)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DR. ROMEO ORTEZA

FERMINA

ISA

JADE NANO-CERA MATTRESS

MARAMI

MARICAR DEOCAMPO

PILIPINO STAR

REJUVENATION CLINIC

SI FERMINA BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with