^

PSN Opinyon

IKAW AT ANG BATAS - Ang paglaya ni Susan (Ika-18 sa serye)

- Jose C. Sison -
"KAYONG mga bata, masuwerte’t mabait ang complainant ninyo. Pumayag na masentensiyahan kayo ng mababa. Dapat aminin niyo na lang. Ipapasok ko na ang probation. Sa laya n’yo bubunuin ang sentensya." Ang dalawang bata, na sa isip ay bata ngunit sa kalokohan ay matanda, ay nag-astang matanda upang manatili sa pagkabata. "Opo." Lalayang muli para makagawa ng kasalanan muli.

"Number four." Nawawalan na ng loob si Susan. Mag-aalas-11 na’y wala pa ang lawyer. Gusto niyang umiyak pero nasaid na ang luha.

Umakyat ang apat na taong gulang na bata sa witness stand. "Considering that the victim shall relay to this Court her gory experiences, may we request all persons not related in this case be excused," bungad ng public prosecutor.

Lumabas ang mga nakaposas, liban sa matanda. Ngayon ang araw na siya’y ituturo. Ang lolo’y lalong naiihi. At habang nagbabalitaktakan sa Korte’y tuloy sa pagdasal si Susan. Tinawag lahat ang mga santo. At kung may santo lang para sa preso’y dinasalan na niya. Presto, may anghel ding nakarinig sa panalangin.

"Sorry, I am late." "Diyos ko po, ang abogado ko." Lalo siyang kumisig. "Kayo naman Atorni, akala ko hindi na kayo darating." "Hindi naman, galing ako diyan sa kabilang Korte, nagsimula na ba?" "Panghuli tayo." "Good, just in time. Heto ang ating motion for dismissal." Halos yakapin ni Susan ang abogado. Binasa at naluha-luha siya sa laman. Nakasaad na siya ay may chronic asthma, 17 buwang nakapiit at nine consecutive hearings postponed. Failure to Prosecute ang pinalaking letra para tiyak na mabasa ng judge.

"Attorney siya nga po, pagpasensyahan mo itong ipon ko. Hindi bale, pag nakalaya’y dadagdagan ko ’yan." "Don’t worry, ang mahalaga’y matapos na ito." (Itutuloy)

vuukle comment

ATORNI

BINASA

DAPAT

DIYOS

HETO

IPAPASOK

ITUTULOY

KORTE

LALAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with