^

PSN Opinyon

IKAW AT ANG BATAS - Ang paglaya ni Susan (Ika-17 sa serye)

- Jose C. Sison -
‘‘NUMBER-ONE,’’ wika ng judge habang binubulatlat ang notbuk. ‘‘Criminal Case No. Q90-70354 People of the Philippines versus Prospero Reyes and Eduardo Pichay, for murder;’’ basa in interpreter. ‘‘For the government,’’ hayag ng public prosecutor. ‘‘For the defense,’’ ang pakli ng PAO. ‘‘Your honor, we have been trying to locate our defense witnesses, but unitl now, we can not find one. In that case, I am submitting for decision after the filing of the memorandum,’’ sabay sulyap sa kanyang mga kliyente na ‘‘magdasal na kayo.’’ ‘‘Okay, after more than five years of hearing this case, counsel of both parties are required to simultaneously present their respective memorandum within 30 days. Promulgation is set on July 10 exactly 3 months from submission of the memoramdum.’’ Ang isa sa mga magkakaroon ng promulgasyon ay ang maingay sa bus kanina. Ngayon, animo’y isang bata na nawawala sa gitna ng kasukalan. Hindi malaman kung dapat matuwa o matakot. Hangad niya ay magsalita, hihingi ng isa pang tsansa na maghanap ng saksi, ngunit paano sasabihin? Grade three lang ang inabot niya at ang alam lang Inglisin ay ‘‘May I go out Ma’am.’’

‘‘Number two.’’ Tumitingin-tingin si Susan sa pintuan. Natrapik kaya ang lawyer. Saan nga ba nakatira ’yun? Tunay kaya siyang abogado? ‘‘Bakit ako nagtiwala agad, hindi man lang ako naniguro.’’ ‘‘People of the Philippines vesus Conrado Kinatanar et. al. Kidnapping for arraignment.’’ Hindi na napapakinggan ni Susan ang mga nangyayari. Nais niyang humalagpos sa kuwartong iyon at hanapin ang abogado. Nakiusap siyang tanggalin ang posas, sapagka’t karapatan niyang magkaroon ng kalayaan kahit man lang sa loob ng Korte.

Ngunit abala ang empleyado sa pagguwardiya. Mahirap nang siya ay matakasan. Mawawalan ng trabaho’t magkakaroon pa ng asunto.

Matapos isa-isang ihayag ng grupo na ‘‘Not Guilty’’ sa salang pagtulong-tulong, paggamit ng dahas at puwersa, pagtatago sa mga tao at kapalit ng hinihingi, umalis na ang magkapatid. Hindi makapaniwala ang mga ito sa kapal ng mukha ng mga dumukot at nagpahirap sa kanila sa loob ng dalawang linggo.

‘‘Number three.’’ ‘‘Dalawa na lang at kami na. Kung wala siya, tatanggapin kaya ako ng PAO lawyer ulit? Nakakahiya, baka sabihing panakip-butas ko lang siya.’’

Umakyat ang matandang ginang sa witness stand. Dala nito ang bag na napigtas ang hawakan bilang ebidensiya. Dali-daling nakipagkomperensya ang PAO lawyer sa public prosecutor. Pagkatapos, kinausap ng public prosecutor ang witness. Sumang-ayon naman at napa-krus pa. Nagmamadaling tinungo ng PAO ang dalawang nasasakdal. (Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

CONRADO KINATANAR

CRIMINAL CASE NO

DALA

DALAWA

HANGAD

MAY I

NOT GUILTY

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

PROSPERO REYES AND EDUARDO PICHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with