^

PSN Opinyon

EDITORYAL -- Bingo 2-fall

-
NAKATIKIM na ng panalo si Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson. Ipinatigil na ni President Estrada ang operasyon ng Bingo 2-Ball. Tinanggap naman ni Charlie "Atong" Ang ang pagkatalo at sinabing susunod siya kung ano ang gusto ni Estrada. Si Ang ay kaibigan ni Estrada at consultant ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nagpapatakbo sa Bingo 2-Ball. Sumingaw ang kontrobersiya sa Bingo 2-Ball nang ibulgar ni Singson na tumatanggap si Estrada at pamilya nito ng P220-milyon mula sa mga jueteng lords.

Hindi pa matatawag na "bayani" si Singson sapagkat nagsisimula pa lamang ang pag-iimbestiga sa mga ibinulgar niya subalit ang pagpapatigil ni Estrada sa operasyon ng Bingo 2-Ball ay maganda nang pangitain. Isang aksidente lamang ang pinagmulan kung bakit nahalukay ang tungkol sa jueteng at Bingo 2-Ball subalit maaaring ito na ang "wakas" nang pinasimulan ni Atong Ang. Maaaring malusaw na pati ang jueteng na pinagkakakitaan ng mga corrupt na governor, congressmen, mayor at pulis. Inatasan na ni Estrada si Interior Secretary Alfredo Lim at Philippine National Police (PNP) chief Director Panfilo Lacson na hulihin ang mga operators ng jueteng.

Ang isang katulad ni Singson na masasabing may "balls" sa pagbubulgar ng jueteng money ay malaking tulong upang mabawasan na ang mga sugal na nagpapahirap sa mga mahihirap. Isang malaking kamalian ng kasalukuyang pamahalaan na payagang magkaroon ng kung anu-anong sugal na sa halip makatulong sa mahihirap ay lalo pang naglulubog sa kumunoy ng kahirapan. Sa sugal na nila iniaasa ang bukas at hindi na nagsisikap.

Ngayong itinigil na ang Bingo 2-Ball na ayon kay Estrada ay maraming "loopholes", panahon na rin marahil para mag-isip ang pamahalaan ng mga mapagkakakitaan ng taumbayan upang makatulong sa gobyerno. Nabulgar na kumakamal si Ang ng malaking komisyon sa operasyon ng Bingo 2-Ball at kakarampot lamang ang napupunta sa gobyerno. Ang Power Management Consultancy na pinamumunuan ni Ang ay kumikita sa PAGCOR ng P500,000 bawat araw mula nang magsimula ang Bingo 2-Ball noong September 18.

Sa akusasyong tumanggap si Estrada ng milyong piso, mahalagang halukayin pa ito upang malaman ng taumbayan ang katotohanan sa likod ng jueteng payoffs. Lumantad din si Senate Minority Leader Teofisto Guingona at lalo pang naghangad ang taumbayan na makasumpong ng katotohanan. Umaasang ang paglantad na ito ay hindi pagsakay lamang sa isyu.

vuukle comment

ANG POWER MANAGEMENT CONSULTANCY

ATONG ANG

BALL

BINGO

DIRECTOR PANFILO LACSON

ESTRADA

ILOCOS SUR GOV

INTERIOR SECRETARY ALFREDO LIM

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with