^

Bansa

3 pang brgy. chairmen kakasuhan ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

 Illegal parking pinabayaan

MANILA, Philippines -  Nakaumang na ang kasong isasampa sa Office of the Ombudsman laban sa tatlo pang brgy. chairmen ng Quezon City kaugnay ng hindi nito pagsunod sa kautusan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa laganap na illegal parking sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Minabuti ni  MMDA Chairman Tim Orbos na huwag munang pa­ngalanan ang naturang mga opisyales hanggat hindi pormal na naisa­sampa ang kaso laban sa kanila.  Napadalhan na umano ng “final notice” ang mga ito na dapat sagutin at aksyunan bago sila tuluyang kasuhan.

Ayon kay ni Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, may proseso umanong sinusunod ang MMDA at hindi ura-uradang nagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban sa mga barangay chairman na lumalabag sa kanilang kautusan.

Sa pagdalo nila sa pulong ng Association of Barangay Councils (ABC) sa Brgy. Mariana sa Quezon City nitong nakalipas na linggo, ipinaliwanag ng MMDA sa mga opisyal ng barangay ang proseso ng pagsasampa ng kaso partikular ang “neglect of duty” sa mga chairman. 

Ang aksyon umano ng MMDA ngayon ay nagiging daan na rin para magising ang mga opisyal ng barangay at gampanan ang kanilang mga tungkulin tulad ng pagpapasa ng kaukulang mga barangay ordinances ukol sa “tow away zones” at pagbabawal sa illegal vendors.

vuukle comment

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with