^

PSN Showbiz

Nadine bumwelta sa US concert produ na nag-iingay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

“Pay up,” ang message ni Nadine Lustre sa concert producer sa Amerika na inaakusahan na nanloko sa US fans nila ni James Reid.

Ang sey ni Nadine, “So much has happened but it was definetely a great experience. One  thing that I learned tho.. ALWAYS update everyone with what’s legit and what is not, so JaDines won’t be tricked and before you spread shenanigans about us, PAY UP. You owe a lot of people money.”

Hindi sinabi ni Nadine ang name ng produ pero pumalag ito. Siya ay si Elaine Crisostomo na sounds familiar ang pangalan dahil sa special friendship nila ni Desiree del Valle.

Natatandaan ko na nagpainterbyu pa noon si Elaine sa isang talk show ng GMA-7 at may-I-share niya sa public ang kuwento ng special friendship nila ni Desiree.

Muling umingay ang pangalan ni Elaine dahil sangkot siya sa confusion na nangyari sa concert ng JaDine sa San Francisco, California.

Nakakalito ang isyu dahil marami ang tao na sangkot. Ang stand up comedian na si Chad Kinis na kaibigan nina James at Nadine at kasama sa US tour ng JaDine ang nakikipag-argumento kay Elaine na hindi nawawalan ng mga depensa.

Sanga-sanga na ang isyu kaya imbes na magtalakan, mas makabubuti na dalhin nila sa korte ang word war nila.

Ito ang perfect situation para gamitin nina Nadine at James ang kanilang mga dialogue na “Talk to our lawyer.”

Barry Manilow kinaiinggitan ng mga singer na lalaki rin ang type!

Nag-come out na si Barry Manilow sa edad na 73 pero kahit hindi naman siya umamin sa publiko, knows na ng lahat ang pagiging bading niya.

May mga naglitanya na hindi na dapat nagsalita pa si Barry tungkol sa kanyang tunay na sexual preference dahil open secret ito.

Eklay lang ang pralala ni Barry na wala siyang nabasa na rude comments nang ipagtapat niya sa madlang-bayan ang pagpapakasal nila noong 2014 ng kanyang manager na si Garry Kief. It’s either in denial si Barry o dedma siya sa mga negatron.

Inamin ni Barry ang tunay na pagkatao sa interbyu ng People magazine at lumitaw ang katotohanan na mula sa mga tunay na karanasan ang hugot lines niya sa lyrics ng kanyang mga hit song.

“I thought I would be disappointing them if they knew I was gay. So I never did anything. When they found out that Garry and I were together, they were so happy. The reaction was so beautiful — strangers commenting, ‘Great for you!’ I’m just so grateful for it,” ang pralala ni Barry na lihim na kinaiinggitan ng mga Pinoy singer na afraid na magladlad.

Forty years na ang love affair nina Barry at Garry kaya may dahilan para mainggit ang mga mang-aawit na Pinoy na hoping na darating ang araw na magkaroon sila ng lakas ng loob na sabihin sa fans nila na kapwa mhin din ang kanilang mga karelasyon.

Jaclyn hindi kayang  saktan si Jake

Ang pagsasalita ni Jaclyn Jose sa presscon ng D’Originals ng GMA-7 tungkol sa bagong isyu nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ang inabangan ng enterainment writers.

Hindi naging maramot si Jaclyn dahil sinagot nito ang intriguing question tungkol sa joint custody at visitation rights na isinusulong ng biological father ng kanyang apo na si Ellie.

Mga positive word ang lumabas mula sa bibig ni Jaclyn dahil may soft spot sa puso niya si Jake na anak ng kanyang kaibigan na si Laarni Enriquez.

Ipinauubaya ni Jaclyn ang resolution ng isyu kina Jake at Andi dahil ito ang mga magulang ng kanyang favorite grand daughter.

Nanibago kay Jaclyn ang mga reporter sa presscon ng D’Originals dahil hindi siya nagpakawala ng maaanghang na salita.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with