^

Probinsiya

Trak bangga sa van: 2 durog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Dalawang katao ang patay samantalang nakikipagbuno kay kamatayan ang dalawa pa nilang kasamahan matapos salpukin ng kanilang van ang likuran ng nakaparadang dump truck sa Bgry. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Chief Insp. Emil Pajarillo, hepe ng San Mateo Police ang mga nasawi na sina William Dumauan, drayber ng Hyundai Grace van (RBH-518) at katabi nitong si Amadito Lumandaz.? Kritikal naman sa pagamutan sina Marlon Ramirez at Albert Galot. Sinasabing pauwi sa Aurora galing sa isang  birthday party  ang mga biktima nang tumbukin nila ang likuran ng isang dumptruck na iniilawan ang kasalukuyang sinesementuhang kalsada.Sa lakas ng salpukan ay parang pinitpit na lata ng sardinas ang van. Sumuko naman sa mga nagrespondeng pulis ang drayber ng truck na si Artemio Balaba Villar, 48, matapos ang insidente.

vuukle comment

EMIL PAJARILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with