^

Metro

Engineer timbog sa pangongotong kay Gov. Toto Mangudadatu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Arestado ang isang engineer na nagpakilalang miyembro ng volunteer task force ng Office of the Solicitor General (OSG) nang isailalim sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pangongotong ng P300,000 kapalit umano ng paglilinis sa pangalan ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Ma­ngudadatu.

Sa ulat ni NBI-Special task Force chief, Moises Tamayo, ang suspek na si  Engr. Ali “Saydee” Mustapha, na nagpakilalang miyembro ng Special Task Force Crusade Volunteer at batay sa hawak na pekeng dokumento ay accredited  ang kanilang grupo ng OSG.

Sa naging paghayag ni Mangudadatu sa media, sinabi niya na noong Pebrero 12, 2017 ay nagpadala ng text messages ang suspek na nagsasabing ang grupo niyang Task Force Crusade ay nag-iimbestiga sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Tinawagan din umano siya ng suspek na nagsabing kabilang siya (Mangudadatu) sa mga drug personalities na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at kung nais nitong malinis ang pangalan ay kaya umano niyang ‘dukutin’ ang rekord upang matanggal siya sa drug list.

Hiningian umano siya ng P300,000 at pagkumbinse pa umano sa kaniya na sa ibang iniimbestigahan ay mataas umano ang singil ng grupo na nasa P30-milyon.

Dahil sa wala naman umano siyang kinasasangkutang anumang operasyon sa iligal na droga ay nagsumbong siya sa NBI bago pa ang pakikipagkita sa suspek.

Kamakalawa ng hapon (Pebrero 24) nang makipagkita si Mangudadato sa isang restaurant sa Ermita, Maynila, at doon naganap ang entrapment sa suspek.

Depensa ng suspek, siya ay hindi nangikil kungdi siya ay sinusuhulan upang huwag umano maimbestigahan ang gobernador.

Sa beripikasyon, sinabi ng NBI na walang awtorisasyon o itinalagang task force ang OSG para mag-imbestiga.

Ipaghaharap ng reklamong robbery extortion ang suspek.

vuukle comment

ESMAEL “TOTO” MA­NGUDADATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with