^

Pang Movies

Misis ni Matt Evans naghimutok sa asawa ng PBA player na mahilig magbayad ng talbog na tseke!

LODESTAR - Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakaloka ang ipinost ng misis ni Matt Evans sa Facebook account nito kamakailan. Mukhang hindi na nakapagpigil si Katrina Fariñas-Evans at lahat ng mga talbog daw na tseke ng misis ng isang PBA player ay ipinost na niya sa kanyang social media account.

Sa kuwento sa amin ni Katrina, kumuha sa kanya ng mga mamahaling produkto ang misis ng PBA player at pagod na pagod na raw siya sa paniningil dahil karamihan daw sa mga tsekeng in-issue sa kanya ay nagsipagtalbugan na parang bola, huh!

Pati nga text messages nila ng misis ng PBA player ay pinost na rin ng misis ni Matt. Sabi pa ni Katrina, may text messages din daw mismo ang PBA player na ipinadala sa kanya na nangakong ise-settle ang mga pagkakautang sa kanya ng misis nito. Naku, hanggang saan kaya hahantong ang gulong ito ng misis ni Matt at misis ng PBA player

Anyway, to be fair sa misis ng PBA player at sa mismong PBA player, bukas ang mga pahina namin dito sa PM kung gusto nilang ibigay ang side nila tungkol sa problemang ito!

Concert nina Martin at Lani dadalhin sa ‘Pinas

After ng two-night successful sold-out concert nina Martin Nievera at Lani Misalucha sa Pechanga Resort and Casino sa Temecula, California nitong weekend, in-announce na ng Star Media Entertainment concert producer na si Ms. Anna Puno na dadalhin niya sa ‘Pinas ang Masquerade concert.

So sa February 14 and 15, sa Grand Ballroom naman ng Solaire and Casino naman magsasama sina Martin at Lani para sa Valentine concert na Masquerade. Pero bago ‘yon, nasa Cebu City, sa Waterfront Hotel and Casino muna ang Masquerade.

Kuwento ni Anna, kapwa excited daw sina Martin at Lani na sa ‘Pinas naman mapapanood next year ang nasabing concert.

Puring-puri nga pala sina Martin at Lani ng mga nanood ng two-night concert nila sa Pechanga dahil pareho silang walang kapaguran at ilang oras na nag-sign ng autograph at nagpa-picture kasama ang fans.

vuukle comment

MATT EVANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with