^

Police Metro

2 drug suspects dedo sa buy bust sa QC

SEARCH FOR TRUTH - Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na umano ay sangkot sa droga ang napatay ng mga pulis sa magkahiwalay na drug bust operation sa Quezon City.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Najir Panasaran, alyas Abdul Sadam, 23, ng Brgy. Bagbag, Novaliches na nasa watchlist ng Police Station-4 na kilala sa pagiging notoryus na drug pusher sa Abbey Road at isang alyas na Henry na kilalang tulak ng iligal na droga sa Barangay Holy Spirit.

Bago napatay si Panasaran sa may G6 Abbey Road, Brgy. Bagbag, Novaliches, dakong alas- 4:45 ng hapon ay nagsagawa ng buy-bust operation ang isang operatiba na nagkunwaring buyer ng shabu. 

Subalit, nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal dahilan para manlaban ito na nauwi sa palitan ng putok hanggang  sa tamaan at mapatay ang una.

Narekober ang isang kalibre 45 baril, apat na basyo ng bala, tatlong tingga, apat na sachet ng shabu at P500,000 buy-bust money.

Napatay naman si alyas Henry nang makaraan tangkain ng manlaban sa ikinasang anti-drug operation sa drug den kung saan siyam na umano’y parukyano pa ang naaresto kahapon ng hapon sa lungsod.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, bago nangyari ang barilan sa may kanto ng Don Carlos, Don Primitivo St., Don Antonio Subdivision, dakong ala-1:45 ng hapon ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa nagaganap na pot-session sa isang drug den na minamantine ng isang Marites Romero.
Pagresponde ng mga pulis ay nakatunog si alyas Henry at dinukot sa kanyang bulsa ang isang granada at nang tangkaing tanggalan ito ng safety pin ay napilitan na ang mga otoridad na paputukan siya at masugatan. Itinakbo pa ang suspek sa malapit na ospital pero idineklara rin siyang dead-on-arrival.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with