^

PSN Palaro

Brownlee ibinigay ang korona sa Kings

GOTCHA - Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Brownlee ibinigay ang korona sa Kings
Justin Brownlee

MANILA, Philippines – Naisalpak ni import Justin Brownlee ang game-winning three-pointer upang dalhin ang Barangay Ginebra sa pukpukang 91-88 win laban sa Meralco sa Game 6 at matamis na inangkin ang kampeonato ng PBA Govenors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tabla ang iskor sa 88-all kung saan may tsansa sa­nang makuha ng Bolts ang panalo ngunit nagmintis si Allen Durham sa kaniyang layup sa huling 5.5 segundo.

Isang magandang game plan ang naisakatuparan ng Gin Kings sa pangunguna ni Brownlee na siyang bumanat ng krusyal na tres para makuha ang panalo.

Humakot ng kabuuang 28 puntos si Brownlee ka­sama pa ang 9 rebounds, 4 assists at 2 steals, habang nagbigay ng sapat na suporta si LA Tenorio na hu­mirit ng 25 puntos, 6 assists at 5 boards.

Tumagay naman si Scottie Thompson ng 10 pun­tos gayundin sina Ja­peth Aguilar at Mark Ca­guioa na nagtala ng pi­­nagsamang 13 puntos para sa Gin Kings.

“It’s just an amazing thing. That (three-point of Brownlee) was just a brilliant play. He’s been awesome for us in this conference. I need about a 800-page book to document our journey. We wanna win this championship for Mark and Jayjay (Helterbrand),” wika ni Ginebra mentor Tim Cone na nasungkit ang kanyang ika-19 titulo sa liga upang hi­git na paningningin ang kanyang pangalan bilang winningest coach sa liga.

Tinapos ng Gin Kings ang best-of-seven cham­pionship series bitbit ang 4-2 rekord.

Namayagpag din ang Gi­nebra sa Game 2  sa iskor na 82-79 gayundin sa Game 4 na siyang nagdala sa serye sa 2-2 bunsod ng 88-86 panalo na agad namang nasundan ng 92-81 pananaig sa Game 5.

Nakuha ng Meralco sa Game 1 via 114-109 overtime win kasunod ang pananaig sa Game 3 (107-103).

Ito ang ikasiyam na titu­lo ng liga kung saan wina­kasan nito ang walong taon na pagkauhaw sa kam­peonato.

Huling nagkampeon ang Ginebra noong 2008 sa Fiest Conference ng liga nang talunin ang Air21 Express, 4-3, sa championship series.

Wala pang pinal sa sa­got si Jayjay Helterbrand kung itutuloy ang pagrereti­ro matapos ang PBA season.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with