^

Bansa

Ulo ng killers ng Korean ipapadala ko sa Sokor - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Ulo ng killers ng Korean ipapadala ko sa Sokor - Digong
Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mensahe nito sa ceremonial switch-on ng Alcantara Group coal plants sa Maaasin, Sarangani province na pagdurusahan ng mga sangkot na pulis ang ginawa nilang pagdukot at pagpatay kay Jee.
File photo

MANILA, Philippines - “Sa mga murderers ni Jee Ick-Joo. Maybe I can send your heads to South Korea,” pahayag ng galit na galit na si Pangulong Duterte.

Personal na humingi ng paumanhin kahapon ang Pangulo sa pagkamatay ng South Korean businessman na si Jee Ick-Joo.

“I assure you those responsible are known to us already and they will have to go to prison. We are very sorry it had to happen,” wika ni Duterte sa sinapit ni Ick Joo sa kamay ng kanyang mga kidnaper na mga pulis.

Siniguro ni Pangulong Duterte sa mensahe nito sa ceremonial switch-on ng Alcantara Group coal plants sa Maaasin, Sarangani province na pagdurusahan ng mga sangkot na pulis ang ginawa nilang pagdukot at pagpatay kay Jee.

“Tang-ina kayong pulis, bantay kayo, hindi ko kayo papalusutin, you will suffer. I’ll see to it they are sentenced to maximum,” giit pa ni Pangulong Rody.

Nangako din ang Pangulo na magiging ligtas na ang Maynila sa loob ng susunod na 3 taon.

“Take me about 3 years, 3 years wala na talaga,” pangako pa ng Pangulo.

Nagbabala rin si Duterte sa mga alkalde at barangay chairman na huwag silang papasok sa illegal drugs dahil ‘mamamatay’ sila.

vuukle comment

JEE ICK-JOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with