^

Pang Movies

Vice, may sumpong daw!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Mag-take time kaya ng ilang araw ng “pamamahinga” ngayong Holy Week si Vice Ganda, as he doesn’t seem to be in his element yet, yes, sa kanyang show na It’s Showtime, mula nang manggaling siya mula sa series of concerts niya sa Amerika?

Sa totoo lang, mukha pa ring pagod si Vice Ganda.

Angelia Ong, tina-target ang hosting

Very inspiring pala ang kuwento ng dating Miss Earth International na si Angelia Ong, Salve A. Na labis na hinangaan ng Parish priest ng St. Arnold Janssen Church Rizal na si Fr. Leo Schmitt na isang German.

At an early age, naranasan na niya kung paano magtrabaho nang mahusay para lang matupad ang pangarap niyang makatapos ng pag-aaral. Produkto siya ng broken family kaya alam niyang ‘di puwede sa kanyang ma-focus ang atensiyon ng kanyang ina, kahit pa siya ang panganay sa kanilang magkapatid.

But  until she joined the Miss Manila Contest, sponsored by Manila Mayor Joseph Estrada, ‘di akalain ni Angelia na puwede niyang maging puhunan ang kanyang ganda, para matupad, lalo na ang mag-aral sa magandang school at makatapos ng college.

Pero unfortunately sa Miss Manila tilt, ay pangalawa lang siya. Na of course ay pinanghinayangan niya dahil P1-M sana ang prize.

Ganun pa man, naging daan din ito para maimbitahan siya sa mga corporate affairs since in the contest, napatunayan niyang articulate and engaging speaker din siya.

Naging malaking tulong sa kanyang pag-aaral sa De La Salle College of St. Benilde ang kinikita niya bilang speaker.

It was in 2015 that she won the Miss Earth International title na ginanap sa Vienna, Austria.

Kasabay sa pagpasa niya ng kanyang korona sa kanyang successor last year ay nag-graduate rin siya sa St. Benilde sa kursong AB in Marketing Management.

This time, Angelia told the graduating class of St. Arnold Janssen School in Cainta, where Fr. Leo serves as head and adviser, she will ‘market’ herself naman as a TV host.

Kaya, ang advise niya sa mga batang na-graduate, don’t be afraid to dream. Yes, dream of a good education. And pursue it.

Mabuhay ka, Angelia.

Anthony susundan ang Coldplay sa Korea

Father and son, Anthony and Donny Panganiban, may have left, by new, for their separate trips abroad.

Ayon kay Anthony ay pupunta siya sa Boston, Massachussets, USA para sa isang marathon competition. Si Donny naman daw ay maghahabol ng concert ng Coldplay sa Korea.

Anthony and Donny competed for the P1-M grand prize sa game program na Minute To Win It,  Last Man Standing hosted by Luis Manzano but unfortunately, hindi sila nanalo.

Ganun pa man, may naiuwi naman silang P70,000 na pwede nang baon ni Donny sa Korea.

Donny is now a regular DJ of the music channel, MYX. Anthony is in demand as management trainer and motivator. He is likewise an inspirational speaker.

He has been married to actress, TV host and broadsheet columnist Maricel Laxa for a little more than 20 years.

Lorna at Alexa kailangang mag-diet

Dapat siguro, Salve A., na magpapayat pareho sina Lorna Tolentino at Alexa Ilacad na gumanap bilang mag-ina sa katatapos na episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Sabado.

Medyo parehong malapad ang kanilang pangangatawan. E, pareho pa namang may sisimulan silang projects sa ABS-CBN.

Si Lorna ay may gagawing series kasama si Angelica Panganiban. Si Alexa rin ay gagawa ng serye kasama ang ka-love team na si Nash Aguas kung saan makakasama nila sina Janella Salvador at Elmo Magalona.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with