^

Probinsiya

Magsasaka nanghipo ng dalaga, kinuyog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bugbog-sarado ang 49-anyos na magsasaka matapos itong gulpihin ng mga kasamang lalaki ng dalagang kanyang hinipuan habang naliligo sa Magat River sa Barangay Bagong Sikat sa bayan ng San Mateo,  Isabela noong Biyernes Santo. ?

Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Emil Pajarillo, hepe ng San Mateo Police, hindi napigilan ng biktimang si Elmer Salvador ang matuksong hawakan ang maseselang basang katawan ng 20-anyos na estud­yanteng itinago sa pangalang Remedios na noon ay nagtatampisaw sa tubig.?

Ayon sa report, kinuyog ng mga binatang kasama ni Remedios ang magsasaka matapos nitong isumbong ang nangyaring kamanyakan.?

Inaresto ng mga barangay tanod ang mga suspek na sina Herson Cadiz, 23; Romeo Cadiente, 18; at Eduardo Cadiente, 31, na dinala sa himpilan ng Pulisya habang tahimik na nakauwi ang nanghipong si Salvador na may pasa at bukol matapos ang insidente. 

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with