‘Di mapigilan si Westbrook
OKLAHOMA CITY -- Sa ikaapat na sunod na laro ay nagposte si Russell Westbrook ng triple-double.
Kumolekta si Westbrook ng 35 points, 14 rebounds at 11 assists para pagbidahan ang 126-115 overtime win ng Thunder laban sa Washington Wizards.
Ito ang pang-siyam na triple-double ni Westbrook ngayong season at ika-46 sa kanyang career.
Ito naman ang ikaapat na sunod na panalo ng Oklahoma City para sa kanilang 12-8 record.
Nagpasabog si Westbrook ng 14 mula sa kanyang kabuuang 21 points ng Thunder sa overtime para ipalasap sa Wizards ang kanilang pang-11 kabiguan sa 17 asignatura.
Kumamada naman si Bradley Beal ng 31 points sa panig ng Wa-shington kasunod ang 19 ni Markieff Morris.
Sa Minneapolis, nagtala si Kristaps Porzingis ng 29 points at 8 rebounds habang humakot si Karl-Anthony Towns ng 47 points at 18 boards, ngunit si Carmelo Anthony ang nagsalpak ng winning jumper sa hu-ling 2.3 segundo para itakas ang New York Knicks laban sa Timberwolves, 106-104.
“I mean the sky’s the limit for those two guys in this league,” sabi ni Antony, naglista ng 12 points mula sa 4-for-15 shooting bago maikonekta ang kanyang winning basket laban sa depensa ni Andrew Wiggins. “With Towns, the way he’s playing, Kristaps getting better and better each day, they’ll be around for a long time and, you know, they’ll be the face of this league in a couple years.”
Sa Dallas, binanderahan ni Patty Mills ang pagresbak ng San Antonio Spurs sa fourth quarter para talunin ang Mavericks, 94-87.
Nakabangon ang Spurs buhat sa 13-point deficit sa Mavericks sa third period bago nagbida si Mills sa fourth quarter kung saan umiskor siya ng 15 markers para kumpletuhin ang kanilang come-from-behind win.
Sa Portland, nakontrol ng Trail Blazers ang laro para gibain ang Indiana Pacers, 131-109, tampok ang 28 points at 10 assists ni Damian Lillard.
Itinala ng Blazers ang 31-23 abante sa first period hanggang makawala sa Pacers para makabangon sa nauna nilang kabiguan sa Houston Rockets.
- Latest