^

Metro

Binatilyo natusta sa sunog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang binatilyo ang nasawi nang sumiklab ang isang sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Chief Inspector Marvin Carbonel, hepe ng Operations Division ng Manila Fire District, hindi na makilala pa ang biktimang si  Froilan dela Cruz, 15, dahil sa tindi ng pinsalang inabot ng kanyang katawan.

Partikular na sumiklab ang sunog sa 54 Purok 1 Bungad, Isla Puting Bato sa  bahay na pagmamay-ari ni Amie Dela Cruz at inookupahan ng pamilya Dela Cruz.

Umabot ng ikalimang alar­ma ang sunog na nagsimula alas-11 ng tanghali .

Ayon kay Carbonel, su­mingaw na tangke ng LPG ang dahilan sa pagsiklab ng sunog.

Umaabot sa 30 bahay ang nasunog at 70 pamilya ang naapektuhan habang nasa P250,000 naman ang pinsala sa mga ari-arian.

vuukle comment

MARVIN CARBONEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with