^

Police Metro

Paslit kritikal sa nilarong baril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 6-anyos na batang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pumutok ang baril na pinag­lalaruan nito sa bahay ng isang konsehal sa Brgy. Lingasad, Polanco, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na dinala sa Zanorte Medical Center dahil sa tama ng bala sa tiyan ay kinilalang si James Owen Bonifacio Cruz.

Batay sa ulat bago nangyari ang insidente bandang alas-6:00 ng gabi ay kararating lamang ni Brgy. Councilor Rudy Verances, 33 sa kaniyang bahay nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril sa kanilang silid.

Nang tunguhin  ang silid ay tumambad ang duguang biktima na naputukan. Ang bata ay apo ni Norma Prieto, 52, kasambahay ng pamilya ng konsehal.

Ang nasabing baril ay pag-aari ng nasabing konsehal  kung saan ay sinasabing itinapon nito ang armas habang patungo sila sa hospital.

vuukle comment

ZANORTE MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with