^

Police Metro

11 sangkot sa droga, nadakip

Pang-masa

MANILA, Philippines - Labing-isang katao na umano ay sangkot sa illegal drugs ang naaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Taguig City, Quezon City at Camarines Norte.

Sa Taguig City, nasakote ng pulisya ang pitong drug suspect nang maaktuhang gumagamit ang mga ito ng shabu kamakalawa ng alas-3:00 ng hapon sa isinagawang Oplan Sita sa kahaan ng Quiapo St., Brgy. Maharlika Village.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Cristia Bitara; Haron Maun Na Guiamad; Jerry Opimo; Palawan Amama; Jun Bagon; Analyn dela Peña at Jomar Bertolazo na nakumpiskahan ng mga shabu, isang granada, at drug paraphernalias.

Naaresto naman ng QC police dakong alas-10:00 ng gabi ang mag-live in na sina Sandy Ganancial alyas Pandong at Jasmin Martinez, 2 buwang buntis at residente ng Mapagbigay St. Matiyaga St., Brgy. Central sa Quezon City at nakumpiska ang P2,000 buy bust money, 2 bulto at 10 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Naaresto din ang dalawang drug pusher ng operatiba ng PDEA-Camarines Norte na sina Jay-Ar Quila, 27 at Christian De Vela, 28 sa isinagawang drug buy bust operation sa Room B-2 ng Daet Travellers Gas Station Rest House sa Purok 1 Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte kamakalawa.

Nakuha sa pag-iingat ng dalawang suspek ang umaabot sa dalawampung bulto ng iligal na droga na may market value na nagkakahalagang P380,000.00 at ang P1,000 buy- bust money.- Lordeth Bonilla, Angie dela Cruz, Francis Elevado-

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with