^

Bansa

Lotto prizes ninakaw

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) branch 224 ng 19 na taong pagkakakulong ang mataas na opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) makaraang mapatunayang nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa kasong Malversation of Public Funds sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code. 

Ang nahatulan ay si  Angelica Fajardo, Cashier V at kasalukuyang officer-in-charge, Division Chief III ng Prize Payment Division ng PCSO. Pinagmumulta din ito ng halagang P1,877,450.

Sa court record, noong November 13, 2008, nagnakaw ng bahagi ng P3,000,000 cash advance para bayaran ang Sweepstakes at lotto low-tier prizes gayundin ang Scratch-it prizes.

Ayon kay Assistant General Manager for Finance Betsy Paruginog, tumanggap siya ng dalawang letter-complaints noong November 2008 dahil sa pagkabigo ng Prize Payment Division na bayaran sa tamang oras ang winning Scratch-it tickets at ang mabagal na replenishment para sa Teller at Provincial District Office’s Prize fund.

Doo’y nagsagawa ang PCSO ng dalawang spot audits kabilang na ang cash count noong November 13, 2008 at January 8, 2009. Makaraan ang auditing sa lahat ng dokumento, mga tseke, winning tickets, issuances at vouchers laban sa cash on hand ni Fajardo, lumalabas na kulang ito ng P1,877,450.00.”

Inamin naman ni Fajardo na kasalanan niya ito at nangakong magbibigay ng partial payment pero ibinasura ng korte.

vuukle comment

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with